48: Silang

505 28 13
                                    

Silang is an archaic term that can refer to twilight or the time when the sun sets.
.
.
.
.
.
~*~

KEIFER

"Here."

Napalingon ako kay Winsor na nasa 'king tabi at agad na bumungad sa akin ang hawak niyang iPhone. Iniaabot niya ito sa akin kaya naman kinuha ko ito mula sa kaniya.

Agad na sumibol ang ngiti sa aking labi nang makita ang nasa screen nito. Picture namin 'yon tatlo nila Jared at Damian habang nasa slides. Ang saya-saya namin sa larawan, kapwa malalaki ang ngiti sa labi. Nakakatuwa lang na nakuhanan pala ni Winsor ng litrato 'yon. Kahit papaano'y may remembrance kami ni Damian sa bata.

"Pwede pa-share sa phone ko?" tanong ko kay Winsor na sinagot niya naman agad nang pagtango.

"I'll send it in your messenger," sabi niya pa. Isinauli ko na sa kaniya ang iPhone niya. Agad niya ring inasikaso ito kaya naman kinuha ko ang phone upang tingnan ang inbox ko sa messenger.

"Sent," sabi niya at pagkaraan ay nag-notify na sa akin ang mensahe ni Winsor sa messenger.

"Dummy account ang gamit mo?" usisa ko dahil Win Pineda ang gamit niyang pangalan doon.

"So?" masungit nitong tanong sa akin. Aba? Pumapalag ka na?

Inirapan ko lang siya at hindi na nagsalita pa. Ni-save ko na rin sa phone ko ang litrato na galing kay Winsor at agad ko rin 'yong ni-set bilang homescreen at lock screen display ng phone ko.

"Ang cute natin diyan. Parang happy family talaga."

Napalingon ako kay Damian na nagsalita sa aking gilid. Nakita niya pala ang pag-set ko ng litrato na galing kay Winsor. Nakangiti siya sa akin kaya nagwala na naman ang puso ko sa kilig. Sa sobrang guwapo ng lalaking ito, hinding-hindi ko pa rin talaga maturuan ang sarili na kumalma. Bukod sa makalaglag brief ang karisma't kamachohan niya, sobrang napakagwapo kasi talaga!

"Alam kong matagal pa pero darating ang araw na makakabuo rin tayo ng sarili nating pamilya. Titira sa iisang bubong. Kahit hindi ganoon kalaki ang bahay natin basta magkakasama tayo ng anak nating si Dama ay masaya na ako." Kitang-kita ko ang hindi maipaliwanag na saya sa mga mata ni Damian habang sinasabi niya 'yon sa akin. Para akong nasa alapaap habang pinakikinggan ang mga salitang 'yon galing sa kaniya. Dinaig ko pa ang manalo sa lotto dahil kay Damian. Masaya ako na ako ang nakikita niyang tao na makakasama niya oras na dumating ang puntong 'yon ng kaniyang buhay. Hintayin mo. Oras na maging ayos na ang lahat ay babalik ako rito at ipagpapatuloy din natin ang love story nating dalawa.

"Tuloy tayo bukas, ah?"

Napalingon ulit ako kay Winsor dahil sa mga sinabi niya. Nagsalubong agad ang mga kilay ko sa pagtataka.

"Remember, we are going to visit Damian's home town?" paalala pa nito sa akin. Oo nga pala. "Girl, time is running. Huwag niyo nang sayangin pa at gumala na kayo nang gumala nang magkasama!"

May punto naman siya. Gusto kong sumama sa kanila pero kailangan ko munang magpaalam nang maayos kay nanay at kay tito Kris. Kabilin-bilinan pa naman ni nanay ay samahan ko si tito sa bahay tapos pinababayaan ko naman siya. Hindi bale, ang sabi naman ni tito ay aasikasuhin nila ang paglilipat ng ospital ni tatay ngayong araw. Sana lang ay naayos na nila 'yon.

"The sun is about to dive. Let's cheers for the better future of Keifer!" sigaw ni Winsor at saka itinaas nito ang hawak na wine glass. Sinakyan ni Damian ang ginawa niya't nakipag-toss pa ng wine glass niya kaya naman sumunod na rin ako.

Suddenly, meron biglang nag-play na song. Agad na nag-init ang mga pisngi ko nang makilala ang kantang 'yon na palagi kong pinakikinggan sa tuwing nagse-senti ako sa luma naming bahay. It's the Sunsets with you by Cliff and Yden!

SEKYU 1 (BL) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon