Ang hirap pala ng college 'no?
Hindi lang sa dami ng mga subjects, projects, at masungit na professors. Kundi dahil ang social battery ko ay konting-konti na lang ay made-drain na. Hindi rin naman kasi ako sanay na maraming tao o kaya naman ay maging center of attention dahil sa dalawang impaktong yun. Kapag si Syllus ang kasama ko ang awkward, kapag naman si Axcel nakakabuwesit. Tapos kapag nagtagpo-tagpo kaming tatlo parang may mangyayaring gyera. Tapos minsan parang di na ako belong. Di kaya bakla sila? Sheeettt!
Chosss!
Di naman siguro. Erase, erase,erase. Buti na lang talaga ako lang nakakarinig ng mga walang kwenta kong thoughts.
Haysssst! Kahit paano naman ay nakahinga-hinga na rin nang maluwag. Ewan ko ba mas maigi na lang talagang mag-isa. Oo, ganto rin naman ako nung high school. Always be the choice but never been the prority. Uyy! Choss lang. Eme eme.
Buti na lang nakatakas ako sa kanila kanina. Kaya heto ako ngayon dito napadpad. Ayos na rin ito kesa naman kasama sila, napaka-ingay.
Naka-upo ako ngayon sa bleacher na malapit sa open field nitong campus kung saan may mga estudyante rin na dito nakatambay. Ako lang mag-isa kasi. . . di ko alam. Yung iba kasi kapag nakikita ako umiiwas tapos sa iba pupunta.
Heller?! Wala naman akong sakit.
Sakit sa utak lang. Shshshshs. Pero di naman yun nakakahawa 'no.
Hapon na rin naman at ang ilan sa kanila ay tapos na ang mga klase at nagrerelax na lang. Ang iba naman ay nag-aaral kahit medyo ma-ingay. Napaka-nostalgic ng scenery. Siguro maganda ito ipaint kaso di ako magaling sa arts especially coloring. Medyo marunong magsketch pero pagdating sa process ng paglalapat ng kulay ay doon na nagkakanda letche-letche. Kaya di ko pinursue ang drawing skills ko.
Maganda nga ang paligid at napaka-kalmado, kaso ito namang isip ko hindi mapakali. Simula kasi nang mapadpad ako dito ay sobrang dami na kaaagad ang nangyari. 'Yung feeling na parang nag-iba ang mundo, 'yung tipong nasa iba akong dimension na parang hindi naman dapat ito ang nangyayari o mangyayari sa buhay ko.
Ewan ko ba, nag-ooverthink ako ng malala.
Isama pa 'yung narinig ko kaninang umaga. Shemayyyyy! Kailangan kong mag-imbestiga. Pero. . . bahala sila, isa pa na intindihin sa buhay.
Hindi ako naniniwala sa malas o suwerte, tanging naniniwala lang ako ay sa pagpapala. Pero kung si empakto ang pag-uusapan, isa siyang malaking malas.
Nakakairita! Nakakabuwesit! Nakakapanggigil!
Kaya siguro hindi ako tinatabihan ng mga kapwa ko estudyante kasi akala nila baliw ako.
" Sayang 'yang papel.", saad ng isang pamilyar na boses.
Napaseryuso naman kaagad ako ng makita ang mukha ni Sir Andrew na animoy wala siyang pinoproblema sa buhay. Nakapameywang ito habang nakatatak sa kaniyang mga labi ang mga ngiti na parang hindi na naalis sa mukha niya.
Sa totoo lang ha, parang easy lang sa kaniya ang lahat. 'Yung laging nakatawa kahit na seryuso na ang sitwasyon. Nang gagago ata itong si Sir e. Ang inosente ng mukha, flawless na nahiya naman ang pores ko sa kakinisan. Pero sabi nga ""Do not be deceive by what you perceive. Remember devils used comely and angelic appearance to lure people to do bad things."
Ibinaling ko ang aking mga mata nang mapansin na masyado na pala akong napapatitig sa kaniya. Heller, baka akalain ni Sir pinagnanasaan ko siya 'no. Apodyopsis malala.
" Ah, Sir kayo po pala. Kanina pa po ba kayo nakatayo diyan?", hindi ko pa rin siya binabalingan ng tingin.
Umisog ako ng bahagya nang maramdaman kong uupo ito sa tabi ko. " Hindi naman.", tipid na sagot nito.
BINABASA MO ANG
UNSPOKEN HEARTBEAT
Teen FictionHave you ever met this type of girl? Yung tipong madaldal pero tahimik, matalino pero minsan may saltik, at 'yung ayaw pumasok sa mundo ng pagmamahal pero kinikilig? Meet Acquisha Adelaine Arcodijo! The Triple A Queen ng CW Department. Ang babaeng...
