49: Gumamok

508 31 50
                                    

Gumamok means to engage in fierce, chaotic combat; an old term for battling furiously.
.
.
.
.
.
~*~

KEIFER

Hawak-kamay kaming bumalik sa bar counter ni Damian. Humingi pa kami ng tig-isang order ng Long Island Ice Tea at nang maibigay ito ng bartender ay mabilis ko rin itong ininom. Gumuhit ang matinding pait sa aking lalamunan pero nabalanse ito ng matamis na lasa ng alak.

Shocks. Hilong-hilo na ako.

Hindi namin alam ni Damian kung saan na naroroon si Winsor. Hindi naman siguro kami iiwanan noong bakla na 'yon kaya naman hinayaan na lang namin siya. Hindi ko rin alam kung anong oras na pero sa tingin ko'y maaga pa rin naman. Nagpapalitan lang kami ng mga kwento ni Damian nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng aking phone sa loob ng suot kong pantalon.

"Love, sagutin ko lang muna ito. Si tito, tumatawag," sabi ko sa kaniya.

Kailangan kong lumabas dahil sobrang ingay dito sa loob kaya naman nagpaalam muna ako sa boyfriend ko.

"Samahan na kita," sabi niya sa akin nang makatayo ako.

Umiling ako sa kaniya, "Saglit lang naman ito. Babalik din agad ako. Hintayin mo na ako rito."

Kitang-kita ko na nag-aalangan pa siya kung susundin ako o mas susundin niya ang kaniyang sarili kaya naman hinawakan ko ang kamay niya at saka siya tinitigan sa kaniyang mga mata. "Huwag kang mag-alala. Hindi naman ako mapapahamak dahil may mga bouncer naman sa labas. Saglit lang ito," sambit ko sa kaniya.

Marahan siyang tumango sa akin. Humirit pa ako ng halik sa pisngi niya bago ako nagtatakbo palabas ng  Lavander Lounge. Agad kong sinagot ang tawag ni Tito Kris nang makatapak ako sa labas ng pub kung saan wala nang maingay na tugtugin ang maaaring makasagabal sa usapan naming dalawa.

Mabuti na lang at hindi ako nadapa kahit na nagsisirko-sirko na ang paningin ko dahil sa labis na hilo.

"Keifer? Nasaan ka?" bungad agad sa akin ni tito nang masagot ko ang tawag niya.

Magsisinungaling ba ako? Hindi ko kaya.

Bumuntong-hininga muna ako bago sumagot. "Lavander Lounge, tito," tipid kong sagot sa kaniya at kagaya ng inaasahan ko ay naging hysterical siya.

"Alas onse na ng gabi, Keifer! Sino ang kasama mo d'yan? Si Damian ba? Anong naisipan niyo at nagpunta kayo d'yan? Teka nga, ibigay mo kay Damian ang phone mo nang makausap ko," dire-diretso niyang sambit kaya agad na nagtatalon ang puso ko dahil sa tono ng boses niya.

"Tito, may service naman kami. Sige po. Aayain ko na si Damian na umuwi. Sinusulit lang namin ang mga oras na magkasama dahil napasa ko na po lahat ng mga documents ko sa passport office. Waiting na lang probably next week ng release date, tito. Sorry po," bagsak ang mga balikat kong sabi sa kaniya.

Narinig ko ang malalim niyang paghinga sa kabilang linya. "I don't want to be a killjoy, my nephew, but please keep in mind that there are people waiting for you to come home, okay? If you think alcohol is getting stronger in your system, stop drinking. Any pub house, regardless of how organized or decent it is, has hidden dangers. Don't get yourself into any trouble, okay? Come home right away with Damian," malumanay na sabi sa akin ni tito.

Kahit nakangiti dahil tila ba ayos lang sa kaniya na nandito kami ay hindi ko pa rin maiwasan ang hindi kabahan sa mga sinabi niya. Kahit anong disente at ayos ng pub house ang puntahan namin, meron at meron pa ring kapahamakan na nakakubli rito.

"Update me if you're already home. Nandito kami sa Saint Luke's Private Hospital ng mama mo. Your mom is already asleep. Kanina pa ito nag-aalala sa 'yo,"

SEKYU 1 (BL) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon