52: Ihustipika

477 36 23
                                    

Ihustipika means justify.
.
.
.
.
.
~*~

KEIFER

Balak ko sanang sumabay kay Tito Kris dahil pupunta rin siya sa ospital ngunit nang malaman kong alas otso pa ngayong umaga nito balak umalis ay nagpasiya akong mauna na. Ala sais pa lang ay nag-aabang na ako sa kanto para makasakay sa pampublikong bus. Mas uunahin ko na munang asikasuhin ang pagpa-file ng leave of absence ko sa unibersidad kung saan ako naka-enroll ngayon bago ako pupunta ng Passport Office.

Dahil ngayon ang profile capturing ko sa passport ay nagpasiya akong magsuot ng round neck na white shirt. Pinatungan ko ito ng brown hoodie dahil alam kong malamig sa SM. Tinerno ko ang pang-itaas sa maong pants at iyong binigay sa akin ni Tito na sapatos. May bitbit din akong tote bag kung saan nakalagay ang cell phone at wallet ko. Dito ko rin kasi ilalagay ang jacket ko oras na kailangang tanggalin para sa profile capturing mamaya.

Hindi rin nagtagal ay nakasakay na ako ng bus. Naalala ko bigla si Damian at iyong insidente namin noong may konduktor na sumita sa aming dalawa. Actually, kanina ko pa siya naiisip lalo na noong hindi siya 'yong nakita kong guard na naka-duty sa Beverly Heights. May duty kasi siya ngayon at kung wala naman ay marahil day off niya. Wala rin kasi si mang Jerry. Hindi ko naman ka-close ang guard na nandoon ngayon kaya hindi na ako nagtangka pang magtanong. Mukha kasing masungit.

Naupo ako sa pinakamalapit na bakanteng upuan para mabilis akong makababa mamaya 'pag nasa school na. Habang nasa biyahe ay ginawa kong abala ang sarili sa pagmasid sa labas ng bintana. Mas lalo lang tuloy nabulabog ni Damian ang isip ko. May kakaibang saya akong nararamdamn kahit na mamaya pang ala una ang oras ng pagkikita naming dalawa. Aaminin ko, na-miss ko siya. Sobra.

Ilang minuto lang ang kinain ng biyahe at nakarating na rin agad ako sa school. Pagkababa ay dumiretso agad ako sa registrar upang asikasuhin ang mga dokumento ko kaso napaaga ang dating ko. Wala pang tao. Nakalimutan kong ala-siyete nga pala ang call time ng mga non-teaching faculty.

Habang naghihintay ay nagpasiya muna akong maglakad-lakad sa loob ng campus, inaalala ang mga ala-ala na nabuo ko rito kahit na sa maikling panahon ng pananatili sa lugar.

"Keifer?"

Napalingon ako ro'n sa tumawag sa akin. It was Kylie. Isa sa mga kaklase ko. Kasama niya si Josh na kaklase ko rin. Agad silang lumapit sa akin.

"Kamusta?" bati ko agad sa kanila.

"Oy! Anong kamusta? Ikaw kaya 'tong parang multo na nawala na lang bigla!" bulalas ni Kylie sa akin.

Hindi ko sila masiyadong nakakasama noon pero isa sila sa mga madalas kong makagrupo sa group activity kaya naman kahit papaano ay napalapit na rin sila sa akin.

"Papasok ka na ba ulit? Ang tagal mo nang absent. Ang dami mo nang na-missed na activities pero sa tingin ko'y mapapakiusapan naman ang mga prof natin," sabi naman sa akin ni Josh.

"About that, actually ay magpa-file na ako ng leave of absence ngayong araw." Kitang-kita ko ang pagkagulat sa mga mukha nila dahil sa sinabi ko.

"We?" ani Josh.

"Hindi nakakatawa ang biro mo, girl," saad naman ni Kylie.

"Hindi ako nagbibiro," sagot ko at saka bahagyang natawa. "This coming friday ay aalis na ako. Sa US na ako titira kasama ng tito ko. Ipagpaalam niyo na lang ako sa mga kaklase natin, ah!"

Bigla akong niyakap ni Kylie. Hindi na rin nagdalawang isip pa na yumakap si Josh.

"Mami-miss ka namin, girl," komento pa ni Kylie.

SEKYU 1 (BL) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon