"Are you done?"
Napahagikhik ako nang konti no'ng marinig ang inip nitong boses. Sino bang may sabing hintayin nya ako rito. Ang kulit kasi e.
"Yes, wait. Palabas na," may kalakasang sagot ko rito.
Nang makalabas galing sa banyo hawak ang suot kanina, nakita ko itong nakasandal malapit sa pintuan. Nakapamulsa ang isang kamay at bahagyang nakakunot ang noo. Pansin ko ring wala pa rin itong suot na itim na gloves.
Pinasadahan ako nito ng tingin at natigil sa mata nang maramdamang nakatingin ako sa kanya.
Wala na syang suot na cloak kagaya ko. Kaya naman kitang-kita ko ang kabuuan ng kanyang mukha. Namamangha pa rin ako dahil totoong isa syang magandang lalaki.
"Masyado kang mainipin. I don't want that. I've already said that I can manage on my own," nakangiti kong sabi sa kanya.
Napakunot ang noo nya. Binasa nya ang pang-ibabang labi at bahagyang ibinuka. Tila may sasabihin sya ngunit tumango na lamang.
Lumapit ito sa akin at kinuha ang hawak.
"I'll buy you clothes tommorow. What do you prefer?"
Napangiti ako dahil hiningi nya muna ang preference ko bago nya man gawin.
"Ikaw na ang bahala kung anong bagay sa akin. But if you insist basta mayroong maraming cloak at cover sa buhok ko," nakangiting ani ko sa kanya.
Napatingin sya sa buhok ko at nakita ko ang medyo nagtataka nitong ekspresyon sa mukha. Pero hindi na sya nagtanong kung bakit. Tumango na lamang sya at hinawakan ang kamay ko.
Hinila nya ako papunta sa nagtatawanan at nag-iingayang kalalakihan sa harap ng isang apoy. Mukhang may iniihaw.
Inilagay nya sa nadaanang lagayan ng maruming damit ang suot ko kanina.
Napatingin ang lahat sa amin nang malapit na kami sa kanila. Tumahimik na lamang bigla hindi gaya kaninang sobrang ingay.
Nanlalaki ang mata ng isa at medyo napanganga pa, si Thalio.
"Boss, girlfriend mo talaga, no?" tanong nito.
"Hindi ba sya isang fairy na dinukot mo sa kung saan, boss?" tanong naman ni Grego.
"Hindi ka ba d'yosa ng kagubatan na ito, Princess?"
"Saan mo sya ninakaw, boss? parang hindi totoong tao talaga. Bakit ganyan ang hitsura niya?"
Sunod-sunod na tanong nila. Napakunot ang noo ko sa huling sinabi ni Yzol.
Bakit? Pangit ba ako?
Malamig lang na nakatingin sa kanila ang katabi ko habang napatingin ako sa kanila at iniisa-isa ko silang tiningnan bago nginitian nang matamis.
Sabay-sabay silang kunwaring bumagsak at hinintay ko silang makabangon muli matapos ang limang segundo. Nagtataka ko silang tiningnan pagkatapos ay bumaling sa katabi ko.
"Anong ginagawa nila? May sakit ba sila?" nakangusong saad ko sa kanya na nakatingin na pala sa akin.
"Don't mind them. They're a bunch of overacting people."
"And stop smiling," nakakunot na dagdag nito habang malamig pa rin ang mga matang ipinukol sa harapan. Nawala naman ang ngiti sa mukha ko at bahagyang napanguso.
Napatingin ako uli sa harap at napansing pabalik-balik ang tingin ng mga ito sa aming dalawa.
"That's why your voice sounds like an angel," tumatangong saad ni Seliv.
"Nakakita ka na ng anghel?" tanong ko sa kanya.
"Hindi ba ikaw talaga 'yon?" nalilito nitong tanong sa akin.
YOU ARE READING
Whispers of the Ethereal Threads (𝓦𝓱𝓲𝓼𝓹𝓮𝓻 𝓢𝓮𝓻𝓲𝓮𝓼 #1)
FantasyShe appeared to be a paragon of innocence, her gentle look and captivating smile cloaking a scheme of duplicity. Her eyes reflect a clever mind, moving shades where her true self hides. She comprehends all too well. She strikes familial demands with...
