CHAPTER 20

63 8 0
                                        

"I just took a nap, and you're letting this mere creature get you, huh?"

Hindi ko na naituloy ang pag-iba ng kulay ng buhok ko nang dumating si Yshid. Mabilis akong napalingon sa nagsalita at malawak na napangiti. Nakatayo ito sa harap ko at nakalagay sa loob ng bulsa ng pants nya ang isang kamay. Malamig ang matang nakatuon ang direksyon nito sa amin.

Lalapit na ako sa kanya nang sya na ang nagkusa at kalmadong lumapit sa pwesto ko. Nakalimutan ko na ang itim na usok na pumupulupot sa akin.

Yumuko si Yshid at mariing nakatitig sa akin. Tiningnan nya ako sa mata at naramdaman ko na lamang ang isang kamay nya na pumalibot sa maliit kong bewang. Marahan nyang nilapat ang malambot na labi sa labi ko dahilan ng pagkatulala ko. Hindi ko inaalis ang paningin sa kanya.

His gentle lips complement mine. I couldn't help but smile at the thought, feeling my cheeks heat up.

Inilayo nya na ang mukha sa akin at nakita kong hawak na nya sa leeg ang ngayo'y nilalang na bumalik na sa orihinal nitong anyo. Nanlalaki ang matang nakatitig ito kay Yshid at nakapaskil ang takot na takot na ekspresyon bago iyon unti-unting naging yelo at natunaw.

Wala na rin sa paligid ang mga kalahi nito at bigla na lamang naglaho.

Tiningnan ko si Yshid na may nakakatakot na ngisi sa labi habang nakatingin sa kamay nyang may pumapatak na kaunting tubig sa lupa.

Nilingon nya ako at nawala na ang ngisi nitong nakapaskil kanina. Marahan nyang inabot ang kamay ko at tahimik na hinila palapit sa tubig. Nakatingin lamang ako sa kanya habang nakangiti. Kinukuskos nya ang kamay kong madumi at may dugo pa dahil sa paghawak sa pangil kanina. Magkasalubong ang kilay at seryosong hinuhugasan iyon. Pagkatapos ay tinaas nya ang damit nya at iyon ang pinangpunas.

Nakita ko pa ang ilang abs niya na bahagyang sumilip mula sa maputi niyang tiyan. Kahit sa simpleng tingin, makikita mong matigas ang mga iyon, at ramdam ko ang disiplina sa katawan niya.

Napakurap-kurap ako sa tanawing iyon. Hindi maipagkakailang may ganito siya, at sa totoo lang, inaasahan ko na rin.

Nagtama ang paningin namin at matamis ko syang nginitian. Matagal nya akong tinitigan bago inayos ang buhok kong magulo. Inayos nya rin ang hair clip kong nakaipit.

"Don't touch insignificant thing, Haia," seryosong saad nito na para bang pinapangaralan ako.

The fact he's calling me Haia now means he's serious. But I just shrugged because he's always so serious. I let out a small laugh.

Bahagya akong napanguso. "I'm having fun, but you interrupted me," sabi ko sa kanya habang nanliliit ang mga matang nakatingin sa kanya.

"I'm all for your fun, but I'm not letting anyone take my baby away from me," mas seryosong pahayag ni Yshid sa akin.

I found myself blinking at that. I took a breath as I felt my heart racing. "My heart beats fast," pagsasabi ko ng totoo sa kanya sa maliit na boses. Agad ko namang nakita ang pagtaas ng sulok ng labi nito.

Nagpaalam akong pupunta kina Seliv. Mabilis akong tumakbo at hindi na nahintay si Yshid. Habang papalapit ramdam ko na ang tingin nila. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at pinakawalan ko na ang mga ito.

As I released them, they glared at me. "Traitor! You always trick us," Thalio said while frowning. "You said we'd hide together."

"What else can we expect? This princess is exceptionally cunning," nakangising saad ni Yzol.

I smiled, agreeing with what Yzol said. "I can be quite cunning, you know."

"Cunning? More like selfish!" sabi ni Zoldi, medyo naiinis na.

Whispers of the Ethereal Threads (𝓦𝓱𝓲𝓼𝓹𝓮𝓻  𝓢𝓮𝓻𝓲𝓮𝓼  #1)Where stories live. Discover now