CHAPTER 24

63 6 0
                                        

"Ang sabi ko kung kailangan mo ng tulong, hanapin mo lang ako. Look at yourself... nahanap mo nga ako para humingi ng saklolo," nanunuyang saad ng lalaki sa harap ko bago malakas na tumawa.

Hindi ko akalaing magagawa niya ito...

"You're gross. You need to take a bath, Princess," natatawang dagdag pa nito habang nakatingin sa akin. Tumingin ito sa mga kawal niya sa likod pagkatapos ay sumenyas.

Nakaupo ako sa maruming sahig ng kulungan ng kabayo, nanginginig sa lamig at pagod ang katawan ko. Ang mga paa ko ay mahigpit na nakakadena, ang mga kamay ko ay nakatali ng lubid na pilit kong nilalabanan kahit alam kong walang saysay. Ang suot kong damit ay punit-punit, marumi, at batbat ng putik. Malayo sa marangyang kasuotan ng isang prinsesa.

Ramdam ko ang hapdi sa aking katawan, ang bigat ng pagod na lumulukob sa akin. Namumula ang aking mga mata, bumabadya ang nalalapit kong pag-iyak.

Hinigpitan ko ang pagkakakagat sa labi ko, pilit nilulunok ang takot. Ngunit paano nga ba ako lalaban kung ang mismong katawan ko ay unti-unti nang sumusuko?

Nasira ang plano...

Pagkaalis ni Adelfa, saka naman dumating ang aking pamilya. Isa-isa silang dinala sa harapan ko. Ang mga kamay nila'y mahigpit na nakatali, at ang kanilang mga bibig ay may busal na tela, Walang anumang ingay. Walang paggalaw. Wala silang malay.

My mother... My brother...

Nanginginig ang aking mga kamay. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin.

Napahigpit ang pagkakahawak ko sa sarili, pilit pinapanatili ang aking pokus. Ngunit sa isang iglap, isang matalim na kirot ang bumalot sa aking likod. Naramdaman ko ang pagbaon ng palaso sa aking laman, kasabay ng malamig na pakiramdam na gumapang sa aking katawan.

Lason.

Mabilis akong nanghina. Ang mga mata ko'y unti-unting bumigat, at bago pa man ako makahanap ng paraan para lumaban, tuluyan na akong nilamon ng kadiliman.

Naramdaman ko na lamang ang biglaang pagbuhos ng napakalamig na tubig sa aking katawan na agad na nagdulot ng matinding panginginig sa akin. Para bang isang matalim na kutsilyo ang humiwa sa aking balat, ang lamig ay dumaloy hanggang sa aking buto. Napapikit ako sa gulat, habol-habol ang aking hininga, habang unti-unting bumalik ang aking diwa mula sa matinding panghihina.

Nang dumilat ako kanina, una kong nakita ang malalabo at kumikislap na ilaw sa kulungang ito. Masakit ang bawat paggalaw ko, tila ba ang bawat himaymay ng aking katawan ay binugbog at pinahirapan.

Naramdaman ko ang bigat ng mga posas sa aking mga kamay at paa, mahigpit ang pagkakatali, nag-iiwan ng hapdi sa aking balat.

"Mukhang gising na gising ka na, Prinsesa," isang pamilyar na tinig ang umalingawngaw sa paligid. Ang lalaki kanina na akala ko ay nakaalis na.

Dahan-dahan akong tumingin sa pinagmulan ng boses. Nakatayo siya sa harapan ko, may bahagyang ngisi sa kanyang labi habang ang isang lalaki na katabi nito ay hawak ang isang timbang may natitirang tubig. Walang duda, siya ang bumuhos sa akin kanina.

"Ano? Masarap ba ang pagbati ko sa'yo?" aniya, puno ng panunuya.

Hindi ako sumagot. Nanginginig pa rin ang katawan ko sa lamig, ngunit mas nangingibabaw ang galit sa loob ko. Pinilit kong pigilan ang mga luha, hindi ako maaaring magpakita ng kahinaan.

Napangisi siya, tila ba aliw na aliw sa kalagayan ko. Lumapit siya at marahang itinulak ang aking noo gamit ang daliri niya.

"Wala ka nang nasasabi, ha? Ang tapang mo kanina, pero ngayon... ayan, basang sisiw ka na."

Whispers of the Ethereal Threads (𝓦𝓱𝓲𝓼𝓹𝓮𝓻  𝓢𝓮𝓻𝓲𝓮𝓼  #1)Where stories live. Discover now