I felt it again.
That familiar pulse in the air. A heartbeat that doesn't belong to the forest. Hers.
My Haia.
Bago pa man ako makarating sa dulo ng kagubatan, ramdam ko na agad na narito siya. Ramdam na ramdam ko.
That happens only when it's her.
Mataas ang buwan pero alam ko kung aling anino ang nakamasid sa akin-pinagmamasdan, sinusukat ang bawat kilos ko.
Mabilis ang galaw ng kabayo ko, nilalamon ang lupa sa bawat yapak. Hindi ko na kailangan utusan pa. Pareho naming alam ang daraanan. Madalas ko nang tinatahak ang rutang ito. Kaya rin ako nawawala paminsan. I come home... visiting them. To my kingdom. My blood.
But tonight, it's not them I seek. It's her.
As I approached the clearing, I sensed a second heartbeat. Hers again. Hiding, perhaps. Typical of her. She thinks she's clever, and she is, but not clever enough to escape my senses.
I silently chuckled at how cute my baby is.
I dismounted, letting the moonlight catch my face. I could already feel her eyes staring, dissecting... and yes, admiring.
I know you're there, Haia, baby...
I brushed my hair back, suppressing the smirk tugging at my mouth. She likes watching me like this. I can feel it.
But I didn't expect what happened next.
Huminto sandali ang hangin, saka may marahang galaw sa likod ko. Isang matalim na pagbabago sa paghinga niya.
Mabilis ang pag-ikot ko, pero mas mabilis siya kaysa sa inaasahan ko, isang malakas na tapik sa batok ko. Muntik na akong mapangisi sa sobrang paghanga kung hindi ko lang naagapan. Masisira ang plano ng baby ko. Ayokong ako ang maging dahilan para masira iyon, ayokong mangyari 'yon...
Kung hindi siya ay walang sinuman ang papahintulutan ko na gawin sa akin ang mga bagay na ito. Kung ako ngayon ay ang aking tunay na sarili, isang kisap lang ay tunaw na ito. But then this clever lady has my heart so I'd let her do what she wants.
My face rested against something soft- her shoulder? I could smell her skin. I stayed still.
Yumakap siya sa akin, niyakap ang bigat ko. Like she's ready to catch me when I fall, even if she doesn't know how deep I've already fallen for her.
You shouldn't have let me fall, Haia. You should be ready.
Hinaplos niya ang buhok ko, parang ito'y isang bagay na mahalaga. Saka ang mga labi niya'y dumampi sa noo ko. Isang halik na banayad.
"I'm sorry... baby," bulong niya.
Pretty faces are deceiving. That much, I've always known. But the fun fact is- I let her deceive me. And I'm just participating... since I'm also playing like her.
Sa ilalim ng bigat ng aking mga pilikmata, nasilayan ko ang tunay niyang anyo.
Finally. I'll get to see it again.
Mula sa itim na buhok at mga matang una kong nakita, hanggang sa mga pilak na hibla na ngayo'y bumabalong pababa sa kanyang likod.
Ngunit ang talagang humatak ng aking pansin ay ang kanyang mga mata. Ang mga itim niyang mata, na unang humila sa akin, ngayo'y naging kahanga-hangang asul. So it's really that striking blue eyes, huh? The ones I've heard about in stories-rare, impossible, almost sacred.
Dahan-dahan kong tinaas ang tingin, hindi maalis ang mata sa kanya. Ang pilak niyang buhok ay kumikislap sa ilalim ng liwanag ng buwan, ang mga mata niya'y nakatuon sa akin na parang mangangaso na sinusukat ang biktima. At gayon pa man, ngumiti siya.
YOU ARE READING
Whispers of the Ethereal Threads (𝓦𝓱𝓲𝓼𝓹𝓮𝓻 𝓢𝓮𝓻𝓲𝓮𝓼 #1)
FantasyShe appeared to be a paragon of innocence, her gentle look and captivating smile cloaking a scheme of duplicity. Her eyes reflect a clever mind, moving shades where her true self hides. She comprehends all too well. She strikes familial demands with...
