Nagising ako sa mahinang kaluskos. Kinusot ko nang marahan ang mga mata ko. Gabi na, ngunit naaaninag ko ang pigura ng isang lalaki sa labas ng kulungan. Base sa postura niya, matipuno at matangkad ito, ngunit may kung anong mali sa kanyang kilos parang isang gutom na hayop na matagal nang nag-aabang ng pagkakataon.
Namumula ang kanyang mga mata, at sa ilalim ng mahinang liwanag, nasilayan ko ang nakakatakot niyang ngisi. Hindi iyon ngiti ng isang kaibigan o isang kakilala, iyon ay ngiti ng isang halimaw na may balak na masama.
"Ang ganda-ganda mo..." aniya, at halos napasinghap ako nang marinig ang tinig niyang garalgal at puno ng pananabik. "Makinis at napakaputi. Sa tingin ko'y kay lambot mong hawakan."
Malamig na kilabot ang gumapang sa aking balat. Umurong ako palayo, ngunit walang mapupuntahan sa makipot kong piitan.
"Walang makakaalam." Patuloy siya, habang marahang inilalapit ang kamay niya sa pagitan ng rehas. "Isang gabi lang, at maging masunurin ka rin sa akin. Wala namang mawawala sa'yo, hindi ba?"
Disgusting.
Nandidiri ako sa kanya. Gusto kong magsisigaw, pero alam kong wala akong aasahang sasaklolo. Tatlong araw na akong nakakulong dito, nilatigo, ginutom, at halos hindi inalagaan. Ang mga sugat ko'y sariwa pa ring dumudugo. Alam kong wala akong laban.
Nagpakawala siya ng mahinang halakhak at halos maabot na ako ng kanyang maruruming daliri.
"AARGH-!"
Nanlaki ang aking mga mata nang bigla makita ang isang matalim na patalim na sumaksak sa kanyang tagiliran dahilan ng pagsigaw nito. Napaatras siya, bumula ang bibig, bago bumagsak sa malamig na lupa.
Hindi ako agad nakagalaw. Nang itaas ko ang tingin, nakita ko ang lalaking pumaslang sa kanya... si Uncle Ardian.
Napalunok ako. Hindi ko inasahan ang kanyang pagdating. Kung tutuusin, mas kinatatakutan ko siya kaysa sa hayop na sumubok sa akin kanina.
"U-Uncle Ardian... s-salamat...." mahina kong sambit, hindi alam kung matutuwa ba ako o mas matatakot pa.
Ngunit bigla siyang tumawa, malakas, malupit. Halos nanginginig ako sa lamig ng kanyang tinig.
"Salamat?" aniya, tila aliw na aliw. "Akala mo ba, tinulungan kita?" Yumuko siya, itinaas ang patalim at pinahid ang dugo nito sa damit ng bangkay. "Kung hindi ko siya naunahan, baka nilasap niya ang isang bagay na hindi kanya."
Napasinghap ako.
Lumapit siya sa rehas, ang titig niya'y may kung anong nangingibabaw na pangangalaga ngunit hindi sa isang mapag-arugang paraan. Isa siyang tao na may-ari ng isang bagay, isang bagay na walang ibang puwedeng humawak kundi siya lang.
"Walang kahit sino ang gagalaw sa'yo," malamig niyang sabi. "Because I have arranged for you to marry the child of my closest friend."
Mas lumakas ang tibok ng puso ko sa kaba.
"Isang binatang prinsipe," dugtong pa niya, ang kanyang mga mata'y kumikislap sa isang bagay na hindi ko mabasa. "Isang lalaking may dugong bughaw, at hindi mo maaaring tanggihan."
Napaurong ako, nanginginig sa kaba. Hindi ko alam kung mas mabuti pang pinatay niya ang halimaw na lalaking iyon, o mas lalo lang lumala ang bangungot kong sinusuong.
Umalis na ang tiyuhin ko, iniwan akong gulat at tulala. Nang mawala na ang kanyang presensya, mabilis akong sumiksik sa sulok ng malamig na selda, nanginginig ang katawan habang napapahikbi. Hindi ko na kaya ito...
Muntik na akong mapagsamantalahan. Mga hayop sila!
Tears started to fall, I couldn't hold them back anymore.
YOU ARE READING
Whispers of the Ethereal Threads (𝓦𝓱𝓲𝓼𝓹𝓮𝓻 𝓢𝓮𝓻𝓲𝓮𝓼 #1)
FantasyShe appeared to be a paragon of innocence, her gentle look and captivating smile cloaking a scheme of duplicity. Her eyes reflect a clever mind, moving shades where her true self hides. She comprehends all too well. She strikes familial demands with...
