CHAPTER 32

61 5 2
                                        

Nagising akong mabigat ang pakiramdam, parang pagod na pagod ang katawan ko. Ramdam ko rin ang matinding uhaw, tila ilang araw nang hindi nakainom ng tubig. Dahan-dahan akong dumilat, at agad akong napaupo. Bahagyang umikot ang paningin ko, pero pinilit kong balewalain habang unti-unting lumilinaw ang paligid.

Nilibot ko ng tingin ang buong silid. Malawak, mas malaki kaysa sa sariling kwarto ko sa aming kaharian. Pero ang higit na napansin ko ay ang malamig at tahimik na aura nito.

The walls were painted in shades of gray and white, and everything had a sleek, minimalistic feel, like a room belonging to someone who embodied the very essence of ice. Then it clicked... this must be Yshid’s room.

Yshid... or should I call him Fros? Or perhaps, Your Majesty?

A small smile tugged at my lips.

He really brought me to his kingdom. My instincts were right.

With his god-like face, he could easily pass as a noble, but he was something more— beyond noble. I couldn’t even find the right words to compare him to anything else.

Bahagya akong gumalaw at agad kong naramdaman ang bigat ng katawan ko. Medyo masakit pa rin ang ibang sugat, pero hindi na kasing lala nang una. Tumingin ako sa sarili kong braso at napansing may mga benda ang ilang malalim na hiwa. Marahan kong hinaplos ang mga ito, ramdam ang gaspang ng tela laban sa balat ko.

Despite that, I know my body feels much better now. I can tell I've recovered, though there's still a slight sting but it's nothing I can't handle. I know they’ve been healing me.

Hindi ko rin alam at masiguro kung kahapon lang ba iyon nangyari nang dalhin ako rito ni Yshid, o kung ilang araw na ang lumipas bago ako nagising.

Napatingin ako sa bintana at noon ko lang napansing umaga na. Ang sikat ng araw ay banayad na sumisilip mula sa kurtina, nagbibigay ng kaunting liwanag sa malamig na silid.

Doon ko rin napansin ang suot ko. Isang mahaba at maluwag na dress, abot sa aking paa, at ang manggas nito’y mahaba, natatakpan hanggang sa kamay ko. Wala akong maalala kung kailan ko ito sinuot.

Did Yshid…?

Bahagyang uminit ang pisngi ko sa naisip, pero agad kong inalis iyon sa isip ko.

I needed to get up.

Binalewala ko ang natitirang panghihina at dahan-dahang inusog ang mga paa ko sa gilid ng kama bago tumayo. Kumontra ang katawan ko, pero pinilit kong kumilos. Matindi pa rin ang pagkatuyo ng lalamunan ko, at ramdam ko ang gutom na kumakalam sa sikmura ko. Kailangan ko ng tubig. Pagkain.

Sa mabagal na mga hakbang, tinungo ko ang pinto— determinado akong makahanap ng kahit ano bago muling bumigay ang katawan ko.

Ang malamig na hawakan ng pinto ay parang yelo sa aking balat nang pihitin ko ito. Dahan-dahang bumukas ang pinto, kasabay ng mahina nitong paglangitngit, at tumambad sa akin ang isang naliliwanagang pasilyo.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Masyadong tahimik.

Maingat akong humakbang paabante, at dumampi ang hubad kong mga paa sa malamig at makinis na sahig. Walang kahit anong ingay, walang bulungan ng mga tauhan, walang yabag, wala ni isang tunog. Para bang iniwan na ang buong lugar.

I wonder where everyone is. It’s eerily silent. Wala ring bakas kung narito ba si Yshid o kung nabisita niya ako rito sa kwarto.

Muling lumibot ang paningin ko, sinusubukang hanapin ang kahit anong senyales ng presensya niya— isang nakabukas na libro, isang tasa ng tsaa, o kahit anong bagay na magpapatunay na dumaan siya rito. Pero wala. Malinis ang kwarto, halos parang walang nakatira rito.

Whispers of the Ethereal Threads (𝓦𝓱𝓲𝓼𝓹𝓮𝓻  𝓢𝓮𝓻𝓲𝓮𝓼  #1)Where stories live. Discover now