Inaayos ko ang mga lubid na inihanda ko. Gabi na ngunit wala pa rito sina Selvi.
Ang tanging liwanag lamang ay mula sa buwan at naglalagablab na apoy ng mga torches na nakatanim sa paligid. Ang iba ay nakasabit sa mga puno.
Umupo ako nang nakakrus ang mga binti. Kinuha ko ang maliit na baso at nagbuhos ng kaunting alak na nakita ko sa aparador.
Hinihintay ko lamang sila na makarating. May ilang araw talaga silang late na sa gabi makauwi. Ang alam ko ay may iba pa silang ginagawang misyon ngunit hindi ko na 'yon aalamin pa. Hahayaan ko na lamang ang panahon na magbunyag noon.
Iniikot ko ang laman ng glass habang hinihintay ang paparating. Rinig ko na sa malayo pa lang ang kaluskos. Alam kong sila na iyon. Naririnig ko ang mahihinang boses nila.
Hiniling kong dapat ay sila ang mas mauna kaysa sa boss. Pansin kong sa nagdaang ilang araw ay basta na lamang itong nawawala, minsan ay bumabalik agad at minsan ay sobrang gabi na.
Narinig kong sobrang lapit na nila kaya naghanda na ako.
Sila nga ang unang dadating.
Ininom ko nang mabilis ang hawak. Napangiwi ako sa lasa noon. Tiningnan ko pa ang hawak ko bago bahagyang napakunot ang noo.
Nawala ang atensyon ko doon nang marinig ang matining na paghugot ng espada. Tiningnan ko kung sino iyon.
It was Zoldi.
Napataas ang isa kong kilay nang nakita ko ang pwesto nila, naghahanda. Ngayon ay sunod-sunod na ang paghugot nila sa espada, mistulang aatake na.
"Who the hell is she?" matigas na bulong ni Zoldi.
Napangisi ako.
Niladlad ko na ang mahaba at makintab kong buhok kanina. Hindi siguro nila ako mamukhaan. Wala na rin ang hood na laging nakasaklob.
Tiningnan ko si Seliv at mukhang may naiisip na siya kung sino ako. Pinatingkad ko kasi ang kulay ng mata ko. Iyon ang orihinal nitong kulay. Matingkad at tila nakakasilaw na asul na mga mata.
Tumayo ako.
Pagtayo ko pa lang ay sabay-sabay silang gumalaw. Ngunit hindi sila umaalis sa pwesto. Matiim ang mga itong nakasunod sa galaw ko.
"Where's the Princess?" seryosong tanong ni Thalio.
Hindi ako sumagot.
"Saan mo sya dinala?" tanong naman ni Grego.
Hindi talaga nila ako namumukhaan. O ayaw nilang isipin na ako talaga ang hinahanap nila. Nakalugay na buhok at mata lang naman ang inayos ko. Itim pa rin naman ang kulay noon, mamaya ko na lamang babaguhin sa totoong kulay nito.
"Binalik ko na sya sa kaharian nila. 'Yon naman ang nais nyo, hindi ba?" matigas kong saad sa mga ito, malayo sa ginagamit kong mahinhing paraan.
Hindi sila umimik at nanatiling seryoso ang mga mukha.
"Why didn't you greet me now? I'm the princess," nakangiti kong saad sa kanila ngunit seryoso ang mga mata.
Ako kasi ang una nilang hinahanap pagkakarating nila galing sa misyon. Kapag nakita ay tila maluwag na nakahinga.
"Impossible," mahinang usal ni Thalio.
Nilingon ko ang nagsalita at bahagyang napangisi.
"That's the truth," pagsasabi ko sa mga ito nang totoo kahit na ayaw pa rin nilang maniwala.
"Where's the birthmark?"
Nagulat ako sa tanong ni Seliv ngunit hindi ko ipinahalata. Napansin nya rin pala ang balat ko sa kamay. Tila naging isang hugis iyon ng isang maliit na snowflake. Kakaiba ang kulay nito. Kulay asul.
YOU ARE READING
Whispers of the Ethereal Threads (𝓦𝓱𝓲𝓼𝓹𝓮𝓻 𝓢𝓮𝓻𝓲𝓮𝓼 #1)
FantasyShe appeared to be a paragon of innocence, her gentle look and captivating smile cloaking a scheme of duplicity. Her eyes reflect a clever mind, moving shades where her true self hides. She comprehends all too well. She strikes familial demands with...
