Third Person's POV
Nakasakay ang isang dalaga sa kabayo nang huminto ito sa pagtakbo. Nakaramdam siya ng panganib at hindi niya maintindihan kung ito na nga ba ang destinasyon na sinabi sa kanya ng Prinsesa. Ngunit ang pakiramdam ng panganib ay patuloy na naroroon. Inilibot niya ang paningin sa paligid, at tanging ang tunog ng mga ibon at ang pag-alog ng mga puno nang dahil sa hangin ang kanyang naririnig.
"Who are you?" tanong ng malamig na tinig mula sa likod niya.
Ang tono nito ay nagpasindak sa kanya at para bang nagsitayuan ang kanyang balahibo. Napapitlag at parang natulos siya sa kinatatayuan, hindi alam kung lilingon ba siya o hindi. Kaya pinili niyang lumingon, at agad siyang napatigil, nanginginig ang katawang humarap doon. May anim na lalaki sa likod niya, at seryoso ang mga mukha ng mga ito. Pero may isa sa kanila na may nakakatakot na mga mata na nakatutok sa kanya. Kakaibang presensya iyon, at iyon ang pakiramdam niyang panganib kanina pa.
Hindi siya sigurado kung maaari niyang pagkatiwalaan ang mga ito. Tinitingnan niyang mabuti ang mga lalaki at masasabi niyang gwapo ang mga ito. Pero ang nasa gitna ay parang isang diyos na inukit nang perpekto.
Sa tingin niya, ito ang bagay na bagay sa kanyang Prinsesa. Ngunit naisip niya na baka kalaban nila ang mga ito kaya pinili niyang yumuko.
Ngunit dito sya dinala ng kabayo at may tiwala sya sa Prinsesa. Ibig sabihin, dito nga ang ligtas na lugar na tinutukoy nito.
"Magsalita ka kung sino ka man, babae!" seryosong saad ng isang lalaki katabi ng nasa gitna. Sinilip niya iyon bago yumuko ang dalaga at hindi sila tinitingnan.
"Speak if you don't want us to break your neck," mariin na pahayag ng isang lalaking may hikaw sa gilid ng labi.
Mabilis itong napatingin sa kaharap na kalalakihan at nanlalaki ang mga matang nagmamakaawa. Yumuko ito nang magkadaop ang palad.
Ilang segundo pa ay nagsalita na ito sa nanginginig na paraan.
"Huwag... H-Huwag n'yo po akong p-papatayin, mga g-ginoo. W-wala po akong masamang i-intensyon," lumuluhang pagmamakaawa ng babae.
"Sino ka nga at bakit ka sakay sa kabayong ito?" inip at mariing tanong ng nasa kaliwang lalaki.
"I-I am Adelfa. I am P-Princess Izarihaia's p-personal maid of... of Silvjourne K-Kingdom," pagsasabi nang totoo ng dalaga habang napapalunok at nangangatal ang labi.
Nagkatinginan ang mga kalalakihan, at isang malalim na katahimikan ang pumailanlang sa paligid.
Ang lalaki sa gitna, na may matalim na tingin ay ngumisi nang kaunti bago nagsalita, ngunit hindi iyon mahahalata.
"Princess' personal maid?" bulong pa ng lalaking katabi ng nasa gitna. Tahimik lamang ang mala-greek god na lalaki na nakikinig. Malamig pa rin ang presensya nito, hindi kumikibo.
Tinutok ng isa ang kanyang tingin kay Adelfa, "Paano ka nakakasigurong may ugnayan kayo ng Prinsesa?"
Nagmumukha namang malungkot si Adelfa. Ang kanyang kalamnan ay nagsimulang magpanic, ngunit pinilit niyang manatiling kalmado. Nais niyang iparating sa kanila ang buong katotohanan, pero ang takot at pangamba ay patuloy na gumugulo sa kanyang isipan. Nang tinitigan siya ng mga kalalakihan, nangangatal ang labi ng dalaga sa takot, at ang mga mata niya ay puno ng pangambang hindi niya matukoy.
"W-wala po akong ibang l-layunin kundi ang sundin ang utos ng aking P-Prinsesa," sagot ng dalaga, bagamat malinaw na nagdadalawang-isip pa siyang sabihin.
"I-Ipinadala nya po ako rito upang tiyakin ang k-kaligtasan ko," naluluhang dagdag nito nang maalalang naiwan nyang mag-isa ang Prinsesa roon.
Ngunit tila hindi pa rin kuntento ang mga kalalakihan. Nakita ni Adelfa ang lalaking nasa gitna na unti-unting lumapit sa kanya, may hawak nang mahabang espada na hindi nya napansin kung saan galing. Masyadong mabilis ang lahat at hindi nya rin pansin ang paghugot doon. Walang emosyong tinutok ang espada sa leeg ng kawawang dalaga.
YOU ARE READING
Whispers of the Ethereal Threads (𝓦𝓱𝓲𝓼𝓹𝓮𝓻 𝓢𝓮𝓻𝓲𝓮𝓼 #1)
FantasyShe appeared to be a paragon of innocence, her gentle look and captivating smile cloaking a scheme of duplicity. Her eyes reflect a clever mind, moving shades where her true self hides. She comprehends all too well. She strikes familial demands with...
