Nang magising ako, ang unang naramdaman ko ay ang malambot na tela ng kumot na nakabalot sa katawan ko, at ang init ng katawan ng taong nakayakap sa akin. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata at unti-unting bumabalik ang mga alaala kagabi.
Naramdaman ko ang matipunong braso na nakapulupot sa aking katawan, at ang malalim na paghinga ng lalaking nasa tabi ko.
Malamyos akong napangiti. Ang init at lakas nito ay nagbibigay ng pakiramdam ng seguridad sa akin.
Nang silipin ko siya, nakita kong nakasubsob ang kanyang mukha sa aking dibdib, ang malambot na buhok ay nakakalat sa aking balat. Hindi ko mapigilan ang pagngiti sa akin. Napaka-cute ng itsura niya sa ganitong posisyon.
Hindi ko mapigilang mag-init ang aking pisngi habang tinitingnan ko siya.
Naramdaman ko ang paggalaw nya at hinigpitan nito ang pagkakayakap sa akin. Ang kanyang mga kamay ay maingat na nakapalibot, at hindi ko napigilang hawakan ang kanyang buhok.
Nawala ang atensyon ko sa buhok nya nang biglang tumingala si Yshid mula sa aking dibdib, napatigil ako sa aking pagsuklay sa kanyang buhok. Ang kanyang mga mata, na ngayon ay tinatanaw ako.
Ako naman, namumula sa kahihiyan ay hindi nakayanan ang kanyang tingin at nag-iwas ng mata upang hindi niya makita ang aking mga pisngi na nag-iinit.
"I didn't mean to touch your hair," bulong ko, ang tinig ko ay halos magpapatuloy sa panginginig.
Masyado akong tinatraydor ng emosyon ko kapag nasa tabi ko lang ang lalaking ito.
Nakaramdam ako ng panghihinayang sa hindi sinasadyang pagkilos ko.
"I thought I am your baby?" mahinang tanong niya, ang boses niya ay tila nang-aasar ngunit malamig. Napakagat ako sa ilalim na labi at mas ramdam ko ang pamumula ng pisngi.
So he heard that.
"You even said I am your fiancé," dugtong pa niya. Ang kanyang mga salita ay nagdulot ng higit pang init sa aking mukha.
Napahugot ako ng malalim na hininga.
"I'm not denying it," saad ko sa kanya habang nakatingin sa mga mata nito. "Are you truly consenting to this?" dagdag ko pa.
Bahagyang umangat ang isang kilay nito. Napangisi lamang sya at hindi ako sinagot.
Nitong mga nakaraang araw ay napapansin kong ayos lang sa kanyang nahahawakan ko sya at kinukulit. Malaya ko ring nahahawakan ang kamay niya nang walang suot na gloves. Mukha pa namang matigas ang puso nito at hindi interesado sa lovelife.
Tumayo ito habang inaayos ang tali ng roba. Ang direksyon nya ay papunta sa paliguan.
Lumingon ito muli sa akin bago ako tinitigan. Naglakbay ang kanyang paningin sa mukha ko pagkatapos ay nagtagal sa buhok.
"Don't think I forgot what you did last night, but we'll just pretend it never happened," he said seriously, yet calmly.
Napakagat ako sa ibabang labi habang nakatitig dito bago marahang tumango.
It seemed like he had a principle that whatever was heard or seen would remain here.
But, I don't really know. I'm just waiting for him to ask, or maybe I'll just tell him on my own when the time comes.
Hindi pa sya nakakalayo ay nagsalita pa ito. "Prepare for the outing, milady. We are to visit Meyerz," nakatalikod nitong saad bago nawala ng tuluyan sa paningin ko.
Meyerz? That sounds familiar to me. At bakit kami bibisita roon.
Nakakunot ang noong bumangon na ako habang nakatingin sa nakahandang damit sa tabi ng kama. Nakangiting kinuha ko ang damit at niyakap.
YOU ARE READING
Whispers of the Ethereal Threads (𝓦𝓱𝓲𝓼𝓹𝓮𝓻 𝓢𝓮𝓻𝓲𝓮𝓼 #1)
FantasyShe appeared to be a paragon of innocence, her gentle look and captivating smile cloaking a scheme of duplicity. Her eyes reflect a clever mind, moving shades where her true self hides. She comprehends all too well. She strikes familial demands with...
