A/N: Bulaga! HHAHAHAHHA welcome to the land of epilogue! End game po ito. Light lang po talaga, peksman!! Mwah!
⚜ ~⚜ ~⚜ ~ ⚜ ~⚜ ~ ⚜
Narinig ko ang mahinang tunog ng pagbukas ng pinto, kasabay ng pagbigkas niya sa pangalan ko.
"P-princess Izaya..."
"Captain Rudj."
Maliit akong ngumiti, ngunit hindi agad ibinaling ang tingin sa kaniya. Sa halip, tinuon ko ang paningin ko sa labas ng bintana ng aming kaharian. Mula rito, kitang-kita ang lawak ng lupain, ang mga bundok sa malayo, ang mga taniman, at ang mapayapang pamayanan sa ibaba. Sa hardin, may ilang mamamayan na kumaway sa akin. Sinuklian ko sila ng ngiti.
They're my loyal and kind people. Kaya ginagawa ko ang lahat para sa kanila, para hindi sila madamay.
Tahimik akong lumakad papunta sa upuang malapit sa bintana at umupo roon. Isang kumpas lang ng kamay, tinawag ko si Captain Rudj at itinuro ang upuang kaharap ko. Agad siyang lumapit, bahagyang nakayuko sa paggalang.
Tinuro ko ang kape sa maliit na mesa, inihanda iyon kanina ni Adelfa. Kinuha ko ang tasa ko at sumimsim nang bahagya. Napatigil ako at napangiti nang konti sa init ng inumin.
"How's the task I gave you, Captain?"
"All is well, Your Highness. Lahat ng mga loyal at posibleng madamay ay nailipat ko na sa orphanage. Bata man o matanda. The loyal knights of the King are fulfilling their duties accordingly, Your Highness."
Tumango ako, nagpakawala ng maliit na ngiti. "Well done."
Ang orphanage na iyon... hindi iyon basta-basta. Malaki iyon na malapit sa hangganan ng kaharian. Lahat ng tapat at inosenteng nais ipapatay ng pekeng hari ay lihim na inililipat doon ni Captain Rudj. Buti na lang at palagi akong dumadalaw roon para magdonate. Wala tuloy ni isa ang naghihinala. And besides... that fake king and his kind are nothing but fools.
Matapos mamayani ang katahimikan ay muli akong nagsalita.
"Once all is done... once I kill the mastermind— that fake king... stab me in the heart... with this."
Dahan-dahan kong inilabas ang punyal. Gawa ito sa sarili kong kapangyarihan, pinanday mula sa hibla ng aking buhok at pinatibay ng aking yelo. Isa itong sandatang walang kapareho.
Nagulat siya. Halata sa mga mata ang pag-aalinlangan. Napailing siya.
"N-No, Your Highness... I cannot follow you on this one. My deepest apologies, Princess Izaya..."
Napangiti ako. "It's not that I will die. I just... I miss my family so much. Gusto ko na silang makasama. When that moment comes, I want you to take over. I'm entrusting everything to you."
Napasinghap siya, kita ang sakit, takot at tutol sa kaniyang mukha. Yumuko siya nang mariin. "I'm sorry... but I will never s-stab the only heir to this kingdom. Don't leave this place... don't leave your people, p-please... Your Highness."
"Don't worry," mahinang tugon ko. "I'm just kidding..." But in truth, I really miss them. My family... my heart aches for them every night.
"But stab me, okay? I'm not joking about that part. I'm really serious. All you have to do is stab me with all your might. No hesitation."
"B-but..."
"You will do it, whether you like it or not, Captain Rudj. That's an order."
Iniabot ko ang punyal sa kaniya habang siya ay nanginginig iyong kinuha at tinago kaagad sa likod ng makapal niyang kasuotan.
YOU ARE READING
Whispers of the Ethereal Threads (𝓦𝓱𝓲𝓼𝓹𝓮𝓻 𝓢𝓮𝓻𝓲𝓮𝓼 #1)
FantasyShe appeared to be a paragon of innocence, her gentle look and captivating smile cloaking a scheme of duplicity. Her eyes reflect a clever mind, moving shades where her true self hides. She comprehends all too well. She strikes familial demands with...
