Izarihaia's POV
Marahan akong nagmulat ng mga mata, nagising sa nanunuot na sakit sa buong katawan. Nanghihina ako, at ang hilo ay mas lumala sa bawat paggalaw ng sinasakyan namin. Sa tunog ng mga yabag sa lupa, alam kong nasa kabayo kami, may ilan pa sa likuran, at sigurado akong kasama namin sina Thalio.
Looking around, it was still nighttime. I guess we had just started our journey somewhere. Not much time had passed yet.
Nasa harapan ako ni Yshid, nakahilig ang ulo ko sa kanyang dibdib. Amoy ko ang natural niyang bango, isang pamilyar na halimuyak na tila nagsasabing ligtas ako.
Nakatagilid ang pagkakaupo ko, at ang isang binti niya ay nakaharang sa akin upang masigurong hindi ako mahuhulog. Ang isang braso niya ay mahigpit na nakapalibot sa bewang ko, habang ang kabilang kamay naman ay mahigpit na hawak ang renda ng kabayo, kontrolado ang direksyon at bilis ng takbo nito.
Bahagya akong napangiwi nang dumiin ang ulo ko sa matigas ngunit mainit niyang dibdib.
When I shifted slightly, wincing at the sharp pain that shot through my ribs, his arm tightened around my waist in response, a silent warning not to move. Alam na niyang nagkamalay na ako at batid kong nakatingin na siya sa akin.
His other hand remained steady on the reins, controlling the horse with the same precision and dominance he carried in everything he did.
Napaungol ako sa sakit, at kahit mahina lang ang tinig ko, naramdaman kong muntik siyang huminto. Saglit siyang natigilan ngunit nagpatuloy pa rin sa pagpapatakbo ng kabayo. Ramdam ko ring nakatutok na ang paningin nito sa akin habang sanay at may ingat na pinatatakbo ang kabayo kahit na wala sa harap ang tingin.
His presence was imposing, as always. But here, wrapped in his hold, it was something else, too.
Protective.
I also felt his gentle touch on the skin of my waist using his thumb. As if he was soothing me, letting me know that I would be okay.
Dahan-dahan akong dumilat at nakita ang matalim niyang mga mata, nakatutok sa akin bago bumalik sa harapan. Nakita ko pa ang mas lalong pag-igting ng panga nito.
Sa kabila ng panghihina, sinubukan kong igalaw ang mga daliri ko, marahang dumadampi sa telang bumabalot sa kanyang dibdib.
Even in the dim light, I could see the tension in his jaw, the slight furrow in his brows that only deepened when his eyes met mine.
"Y-Yshid…" mahina kong tinawag ang pangalan niya.
He immediately leaned down, his face close to mine. The sharp intensity in his eyes softened.
"Shh. Rest." Then, he placed a gentle kiss on my head.
His voice was low, and firm.
"Please. I'm here," bulong niya, mababa, matigas ngunit may halong pakikiusap.
A plea. From him.
Kung maayos lang ang lagay ko, tiyak na aasarin ko na siya.
I forced out the words that had been clawing at my throat.
"My… my body… hurts…" Nauutal kong sabi, halos hindi matapos ang mga salita. Bahagya akong napailing. Napapikit ako saglit, nanginginig ang pilikmata. "I… I can no longer go b-back to sleep."
Mas lalong tumigas ang ekspresyon niya, at nakita kong mas nag-igting ang kanyang panga bago niya ibinaling ang tingin sa malayo. Pero hindi nakalampas sa akin ang lalim ng tingin niya, na parang may kung anong madilim na naglalaro sa isip niya.
Tuluyan nang bumagsak ang aking mga luha habang nanginginig ang aking labi. Hinilig ko ang aking katawan sa kanya, mahina at lupaypay, at lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanyang bewang.
YOU ARE READING
Whispers of the Ethereal Threads (𝓦𝓱𝓲𝓼𝓹𝓮𝓻 𝓢𝓮𝓻𝓲𝓮𝓼 #1)
FantasyShe appeared to be a paragon of innocence, her gentle look and captivating smile cloaking a scheme of duplicity. Her eyes reflect a clever mind, moving shades where her true self hides. She comprehends all too well. She strikes familial demands with...
