CHAPTER 35

84 3 0
                                        

Nagising ako sa init ng sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Masyado na palang mataas ang araw at tanghali na.

Napabuntong-hininga ako habang dahan-dahang gumalaw, ramdam ang malambot na kumot na nakabalot pa rin sa akin. Nang mapatingin ako sa tabi ko, napansin kong wala na roon si Fros.

Sa halip, tanging bahagyang lukot sa unan at ang kakaunting init ang naiwan niya.

Napangiti ako.

Mabagal kong iniunat ang katawan bago bumangon nang tuluyan. Hinawi ko ang makalat kong buhok.

Lumingon ako sa salamin sa tabi ng aking kama, at hindi na ako nagulat sa nakita ko. Pugto ang aking mga mata, namamaga ang talukap, at may bahid pa ng kapirasong lungkot sa aking mga labi.

Napabuntong-hininga ako.

Iniwas ko ang tingin ko sa salamin at sinipat ang gilid ng kama. Napansin kong may nakatiklop na mga damit sa ibaba ng bedside table. Malinis at maayos na nakasalansan at malamang si Adelfa ang naglagay nito.

Bago ko pa man mahawakan ang damit, isang mahinang katok ang pumuno sa tahimik na silid.

"Come in," mahina kong sabi.

Marahang bumukas ang pinto at pumasok si Adelfa, dala ang isang tray ng pagkain. May magiliw ngunit bahagyang nag-aalalang ngiti sa kanyang mukha habang lumalapit siya sa akin.

"Magandang umaga, Princess," bati niya nang malaki ang ngiti ngunit may pag-aalinlangan sa tinig. "Pinapadala po ito ni Y-young Master Fros. Sinabi niyang siguraduhin kong kakain kayo."

Bahagya akong napangiti. Hindi na ako nagulat—si Fros nga naman.

"Salamat, Adelfa." mahinang tugon ko. Tiningnan ko ang tray ng pagkain, ngunit hindi pa ako handang kumain.

Hindi ko maiwasang mapansin ang paraan ng kanyang pagtitig sa akin—tila nakikiramdam kung maayos na ba ako, kung may dapat ba siyang sabihin o ipangungumusta. Para bang ayaw niyang umalis agad hangga't hindi siya nakakasigurong ayos lang ako.

Napangisi ako ng maliit bago ko siya tiningnan. "I'm okay, Adelfa."

Bahagya siyang napatigil, pero nang makita niyang totoo ang ngiti ko, napabuntong-hininga siya na parang nabunutan ng tinik. Pumaskil ang masayang ngiti sa kanyang mukha, at marahan siyang tumango.

"Pakilagay na lang muna diyan. Maliligo muna ako," dugtong ko, itinuro ang maliit na lamesita.

Agad niyang inilapag ang tray ngunit hindi pa rin siya agad lumabas. Tila may pag-aalinlangan pa, na parang may gusto pang tiyakin.

Mabilis siyang tumango at marahang inilapag ang tray sa maliit na lamesita. "Yes, Your Highness. Ipagpapaalam ko rin po kay Young Master Fros na nadala ko na ang pagkain ninyo."

Tumango ako saka napapailing dito.

Mas magaan na ang kanyang kilos nang lumakad siya papunta sa pinto. Bago tuluyang lumabas, muli siyang yumuko nang magalang.

"Magandang araw po, Princess Izaya. Maghahanda na rin po ako para sa iba pang gawain," magiliw nito bati sa akin habang nagsisitaasan ang dalawang kilay.

Tumango ako at ngumiti nang bahagya. Naglakad na ako at tinungo ang banyo. Saka ko narinig ang marahang pagsara ng pinto nang lumabas si Adelfa.

Mabilis akong naghanda at nang matapos kumain ay bumaba na ng hagdan.

Sa pagbaba ko, agad kong napansin ang ilang pigurang nakatayo sa gilid ng malawak na hall. Sina Fros, Thalio, Seliv, Grego, Yzol, at Zoldi—lahat naroon, nag-uusap sa mababang tono. Malalim ang timpla ng kanilang mga mukha, seryoso, tulad ng palagi nilang itsura tuwing may pinag-uusapang mahalaga.

Whispers of the Ethereal Threads (𝓦𝓱𝓲𝓼𝓹𝓮𝓻  𝓢𝓮𝓻𝓲𝓮𝓼  #1)Where stories live. Discover now