Isang linggo na ang lumipas, at napapansin kong nagiging abala si Fros. Palagi siyang nasa loob ng opisina niya. But no matter how busy he gets, he never forgets about me.
There are times when Seliv and the others are there too, but they leave soon after. I always wait for their meeting to end before I go in.
I want to respect their space and not interrupt. Though I know Fros doesn't mind and he always tells me it's okay, that I can come in anytime, even in the middle of it. But I just can't bring myself to do that—I'd rather wait.
Unless, of course, it's really important. If it won't do any harm, maybe then, I'd take that step.
And also Zoldi and friends are officially part of the knights of the Kingdom of Arkallad now.
Sometimes, I see them leaving the hall, wearing their ceremonial cloaks as their voices grow quieter and as they walk down the hallway.
Nakatayo ako sa harap ng pinto ng opisina niya, at eksakto namang lumabas sina Seliv. Agad silang tumigil at bumaling sa akin. Si Seliv ang unang ngumiti at kumaway. Ang iba naman ay bahagyang yumuko bilang pagbibigay-galang.
"Your Highness," bati ni Grego at nagsunod-sunod na silang bumati sa akin.
"Good morning, Fairy Princess," dagdag ni Seliv na may malapad na ngiti.
"Greetings, Princess," sagot naman ng iba.
Bahagya akong tumango at ngumiti nang kaunti bilang tugon. "Good morning," sagot ko nang mahinahon bago sila tuluyang nagpaalam at muling umalis ng kaharian. Halata sa kilos nila ang pagmamadali na para bang may mahalagang tungkuling dapat tapusin.
Hindi ko pa rin alam kung ano ang ginagawa nila sa labas, pero hindi ko na rin iyon pinansin.
Sandali kong sinundan ng tingin ang papalayong mga anino nila. Bahagya akong ngumiti, mas gusto kong alamin kung ano ang pinagkakaabalahan ni Fros.
Marahan kong binuksan ang pinto at tumambad sa akin ang eksenang madalas kong makita, nakatungo siya habang nagsusulat sa isang papel. Nakapikit siya saglit. Ngunit nang maramdaman niya ang presensya ko, agad siyang tumingin sa akin. Hindi na niya itinuloy ang pagsusulat at hinintay akong lumapit.
Pagkarating ko sa tabi niya, marahan niya akong hinila sa kanyang kandungan at iniupo ako sa kanyang hita. Ramdam ko ang mainit niyang braso na pumulupot sa maliit kong bewang, habang ang kanyang mga daliri ay banayad na humaplos sa aking likuran.
Napahinga ako nang malalim at marahang inilagay ang isa kong kamay sa batok niya. Sa malapitan, mas lalo kong napansin ang bahagyang pagod sa kanyang mga mata, ngunit andoon pa rin ang ningning kapag ako ang kaharap niya.
Mataman siyang nakatitig sa akin, tila inaabangan kung ano ang susunod kong sasabihin. Nilabanan ko ang pamumula ng aking mukha sa ilalim ng kanyang matalim ngunit malambing na titig.
"Hi, beautiful," aniya sa mababang tinig, may kasamang bahagyang ngiti.
Nahawa ako nang kaniyang ngiti kaya naman matamis ko siyang nginitian. "Hi, handsome."
Napanguso ako. "Your eyes look tired," sabi ko habang marahang hinahaplos ang pisngi niya.
Napangiti siya at bahagyang umiling. "Hmm, maybe a little," sagot niya.
Napayuko ako ng bahagya, pero hindi ko rin napigilang ngumiti. "Are you busy? Can we go on a date again?"
Sa halip na sumagot agad, lalo niyang hinigpitan ang yakap sa akin, hinila ako palapit hanggang halos magdikit na ang aming mga mukha.
Nakita ko ang paraan ng kanyang labi na bahagyang gumuhit ang kasiyahan bago siya unti-unting lumapit saka ako siniil ng halik.
Ramdam ko ang paggalaw ng kanyang labi sa akin, ang kanyang kamay na dumulas mula sa aking bewang papunta sa aking likuran, mas idinidiin pa ako sa kanya. Napapikit ako at hinayaan ang sarili kong malasap ang tamis ng kanyang halik, habang ang mga daliri ko ay marahang dumaan sa kanyang buhok.
YOU ARE READING
Whispers of the Ethereal Threads (𝓦𝓱𝓲𝓼𝓹𝓮𝓻 𝓢𝓮𝓻𝓲𝓮𝓼 #1)
FantasyShe appeared to be a paragon of innocence, her gentle look and captivating smile cloaking a scheme of duplicity. Her eyes reflect a clever mind, moving shades where her true self hides. She comprehends all too well. She strikes familial demands with...
