Mabilis akong tumungo sa banyo.
Matapos ang ilang minutong pagsasabon, natapos din ako sa paghuhugas ng katawan. Habang nagbabalot ng tuwalya ay bigla akong napangiti sa sarili ko. Ang pagkakaroon ng ganoong atensyon mula kay Yshid ay nagdudulot ng kakaibang init sa puso ko.
Habang palabas ako ng banyo, narinig ko ang mga yabag ni Yshid mula sa labas ng kwarto. Mabilis akong nagsuot ng damit at lumabas, nagtataka kung anong ginagawa niya.
Nang bumukas ang pinto, nakita ko siyang nakatayo sa gilid. Tinitigan niya ako, ang isang kilay ay nakataas, at may ngiti sa mga labi. "Took you long enough," sabi niya.
"Sorry," sagot ko, hindi maitatangging may kasamang pagngisi.
Ibinaba niya ang tingin mula sa aking mukha pababa sa aking katawan, at sa isang saglit, ang pagtingin niya ay hindi ko na kayang iwasan. "You look fine," aniya.
Tumawa ako ng mahina. "I'm sure you're just being nice."
"Nice?" sagot niya, binanggit ang salita na parang may kalakip na hindi pagsang-ayon, nakakunot pa nang bahagya ang noo. "I'm being honest. You never look bad."
Nag-angat siya ng isang kamay at marahang hinaplos ang panga ko. "You never listen to me," aniya, ang tinig ay mas malambot kaysa sa usual, pero ramdam ko ang bigat ng sinasabi niya. Ang pakiramdam ng kanyang palad sa aking balat ay may halo ng init at lambing.
"Just stay safe, baby. Or else..." he said while his voice laced with a warning.
Napatawa ako nang mahina.
Pero bago pa siya muling makapagsalita, hinawakan ko ang kanyang braso at mabilis na naglakad papunta sa kama. "Let's go, Yshid," sabi ko, "Baka naman gusto mong magpahinga."
Nakita ko ang mga mata niya na sumunod sa akin. Inabot ko ang mga kumot at nilatag iyon sa kama.
Habang nakahiga kami, tahimik siyang humiga sa aking tabi. Pumikit ako, ngunit bago pa man ako makatulog, naramdaman ko ang kanyang kamay na mahigpit na humawak sa akin. Hindi ako nagreklamo. Mas lalo akong napalubog sa pagkakahiga at sa init ng katawan ni Yshid.
"Sleep," aniya, ang boses niya ay mabigat at puno ng pagnanais na magbigay ng kapanatagan. "You're safe here."
Isang ngiti ang sumilay sa aking labi. Naramdaman ko na ang bigat ng kanyang braso sa aking katawan, na parang niyayakap ako ng buong puso. Walang salitang lumabas mula sa akin, kundi isang malalim na buntong-hininga.
Isiniksik ko ang mukha ko sa pagitan ng leeg at balikat ni Yshid, naramdaman ko ang init ng katawan niya na dumampi sa balat ko. Ang amoy ng kanyang pabango, na may halong malamig na simoy ng hangin, ay umabot sa aking ilong. Habang ang kanyang mga braso ay humaplos sa aking likod, pinapalakas ang mga tibok ng puso ko sa bawat haplos.
Habang nananatili akong nakasiksik sa kanyang leeg, unti-unti akong napapapikit at tuluyang bumigay ang pagod ng katawan ko.
- - -
Nakarinig ako ng nag-uusap sa labas, mahina lamang iyon na tila mga bulong. Sa tingin ko ay gising na silang lahat. Isa pa ay madaling-araw pa lang. Naalimpungatan lamang ako dahil nakaramdam ako ng uhaw.
Yshid and his men were speaking in hushed tones. The atmosphere was tense, and Yshid's presence felt heavy.
I think they have been talking to each other since earlier.
"I am greedy when it comes to Haia. So you better treat her with the utmost respect," sabi ni Yshid nang mariin.
Tahimik akong napangiti sa tinuran nito.
YOU ARE READING
Whispers of the Ethereal Threads (𝓦𝓱𝓲𝓼𝓹𝓮𝓻 𝓢𝓮𝓻𝓲𝓮𝓼 #1)
FantasyShe appeared to be a paragon of innocence, her gentle look and captivating smile cloaking a scheme of duplicity. Her eyes reflect a clever mind, moving shades where her true self hides. She comprehends all too well. She strikes familial demands with...
