Inaabangan ko kung sinuman ang magbukas ng pinto.
But I already know who’s coming even before he reach the door.
Napangiti ako dahil alam kong galit siya.
"Ma sœur, why are you looking at the door? Are you expecting someone?" tanong ni Hail, na tahimik na nakaupo sa tabi ko.
Napangiti ako lalo at marahang tumango. "I think he's angry."
Napakunot ang noo ni Hail, halatang hindi ako maintindihan.
Ngunit bago pa siya muling makapagtanong ay hindi ko inaasahang walang sumipa sa pinto, walang bumukas dito nang malakas na halos mag-echo ang tunog sa buong silid.
Sa halip ay kalmado ang galaw na bumukas iyon.
Mabilis akong napatingin sa direksyon ng pinto.
There he was.
Fros.
Nakita ko siyang nakatayo—mataas ang tindig, malamig ang titig, at halatang hindi natutuwa.
Ang presensiya niya ay nag-uumapaw sa galit, ngunit nang magtama ang aming mga mata ay tila agad iyong napawi.
Sobrang bilis naman noon. Nawala agad ang galit dito parang hindi man lang ito tunay na nagalit. Na para bang may hinahanap siya, at nang masigurong nandoon ito, bigla na lang siyang kumalma.
Bumalik na ang ekspresyon niyang normal, ngunit ramdam ko pa rin na hindi niya nagustuhan ang matuklasang wala ako sa silid kanina.
Pinasadahan ko siya ng tingin at ang kanyang damit ay bahagyang gusot, pansin ko rin ang nakakuyom na kamao.
Diretso siyang lumapit, hindi nag-aksaya ng oras. Tumigil siya sa harapan ko, ang mga mata niya’y saglit na lumipat kay Hail.
"Talk to you later," malamig niyang sabi sa bata.
Napalunok si Hail at bahagyang lumayo sa akin, para bang napagtanto na niya kung anong nangyayari. Halatang nag-aalala ito nang tumingin sa akin.
"K-kuya..." mahina nitong tawag, ngunit hindi na iyon pinansin ni Fros.
Fros. I really love calling him that now. I love how naturally it rolls off my tongue. I will call him Fros from now on.
I simply shook my head with a small smile. He always had a way of intimidating this adorable little kid. Hinawakan ko ang kamay ni Hail at hinagod iyon, pilit siyang inaaliw.
"Don't worry, Ate is fine. I think your Kuya Fros just wants to talk to me," ani ko nang may ngiti.
Nawala ang bahagyang kaba sa mukha ni Hail at mabagal itong tumango. Ngunit bago siya lumayo ay narinig ko pa ang mahina niyang sinabi. "Don't... D-don't leave the kingdom, Ma sœur."
Napangiti ako at tumango rito, hinaplos ang buhok niya.
But I didn’t promise. I knew I couldn’t. Because if there was one thing I was certain about, it was that if I ever left, I would come back.
Tumingala ako at muling tiningnan si Fros, ngunit sinalubong ako ng masamang tingin. At nang mapansin kong nakahawak pa rin ako sa buhok ni Hail, napailing ako bago dahan-dahang alisin ang kamay ko. Kitang-kita ko ang bahagyang pagliit ng mata ni Fros, para bang hindi niya nagustuhan ang ginawa kong pag-aalaga sa kapatid niya.
"You dare to take the princess away, huh?"
Hail gasped. "No, Kuya!" he whined, pouting in protest.
"Okay, I'm sorry! I should’ve called you the moment sister woke up, but I didn’t…" dagdag pa nito.
YOU ARE READING
Whispers of the Ethereal Threads (𝓦𝓱𝓲𝓼𝓹𝓮𝓻 𝓢𝓮𝓻𝓲𝓮𝓼 #1)
FantasyShe appeared to be a paragon of innocence, her gentle look and captivating smile cloaking a scheme of duplicity. Her eyes reflect a clever mind, moving shades where her true self hides. She comprehends all too well. She strikes familial demands with...
