Ang hangin ay dumagundong sa paligid namin habang nakatayo pa rin kami, nakaharap sa isa't isa. Ang matandang witch na kayang mag-shapeshift ay tila hindi naabot ng panahon.
"Is that all you've got?" I said, my voice calm, almost mocking. "You're just like the rest of them, hiding behind your tricks."
Ang matandang witch ay sumimangot, ang kanyang mga mata ay kumikislap sa galit. "You still don't understand, do you? You're just a child playing at power. You're not even in the same league as me."
Sabay siyang naglabas ng enerhiya mula sa kanyang mga kamay, na parang mga alon ng kadiliman na pumapalo sa aking katawan.
"I don't need tricks to win." I said, my voice unphased as I raised a hand, gathering my own power.
Nag-iba ang anyo ng witch, nagbago ang itsura niya at ginaya ang kuya ko, ang aking kapatid na nawala na rin. Sa loob ng ilang segundo, hindi ko maiwasang magulat, kahit na hindi ko pinapakita sa mukha ko. Sa kabila ng lahat ng galit ko at focus ko sa laban, may konting epekto iyon sa akin—ang imahe ng aking kuya, ang mga alaala na hindi ko na kayang balikan.
I missed him.
Yes, they have been with me these past few months when I was still in the kingdom. But all of them were just shapeshifters pretending to be my family. I never accepted them, I never believed them.
Nagawa pa nilang gayahin ang totoong ugali ng mga ito. Siguro, para maisip nilang hindi ako magduda. Pero alam ko kung anong tunay na pakiramdam ng pagiging pamilya. Alam ko kung anong itsura ng mga mata ng mga minamahal ko.
The way she smiled... it wasn't my brother's smile. It wasn't even close. She thought I'd be fooled.
Handa na akong tapusin siya.
Ramdam ko ang bigat ng hangin sa paligid, yung tipong parang may sasabog na kahit hindi pa nangyayari. Nakatingin lang ako sa kaniya, walang emosyon, pero handang-handa na ang katawan ko para sa huling tira.
Itinaas niya ang kamay niya, nanlilisik ang mga mata, sabay sigaw ng isang matandang wika na punong-puno ng galit. Mula sa palad niya ay may namuong enerhiya, itim na parang usok na may apoy sa loob at ibinato niya iyon sa akin ng buong puwersa.
Dapat sumabog iyon. Dapat nadurog na ako.
Pero wala akong naramdaman. Kalmado lang ako, hindi man lang umatras. Ang kapangyarihang ibinato niya? Bumalik sa kaniya. Sinalubong iyon ng sarili kong kapangyarihan, pinasauli sa kanya ang sarili niyang atake, pero mas malakas at mas mabangis.
At bago pa siya makapagtaka kung bakit hindi tumama sa akin, inunahan ko na siya. Mula sa buhok kong nakalugay, may mga manipis at makinang na daggers na lumabas gawa sa mismong hibla ng mahika ko. Mabilis na halos hindi niya nakita, at diretsong tumama sa balikat niya sa tagiliran, at sa binti.
Napaatras siya, napaigtad sa sakit.
"You were too focused on your own power, you forgot I had mine," I whispered coldly.
Tutuluyan ko na siya. Wala akong pakialam kahit alam kong aatake pa siya. Ramdam kong nilalabanan pa rin niya ang sakit, pilit na bumabangon, pilit na bumubuo ng huling tira. Pero hindi na iyon mahalaga. Mauuna siyang mamamatay.
Nakatayo lang ako sa harap niya mata sa mata. Hindi ako gumalaw, hindi ako kumurap. Hinayaan kong gawin niya ang gusto niyang gawin, dahil sa huli, babalik at babalik din sa kaniya ang lahat ng 'yan.
At nang maramdaman kong papalapit na ang huling atake niya, hindi ako umatras. Pero sa isang iglap ay may humila sa akin.
"—Huh?" bulong ko nang maramdaman kong mabilis akong nawala sa kinatatayuan ko, parang inilipad ng hangin.
YOU ARE READING
Whispers of the Ethereal Threads (𝓦𝓱𝓲𝓼𝓹𝓮𝓻 𝓢𝓮𝓻𝓲𝓮𝓼 #1)
FantasyShe appeared to be a paragon of innocence, her gentle look and captivating smile cloaking a scheme of duplicity. Her eyes reflect a clever mind, moving shades where her true self hides. She comprehends all too well. She strikes familial demands with...
