CHAPTER 11

76 7 0
                                        

"Ang sakit ng katawan ko," daing ni Zoldi.

"Nangalay ang buo kong katawan, shit!" reklamo naman ni Thalio.

"Bobo mo Seliv. Ikaw lang dapat 'yon e," sabat naman ni Grego. Nakahawak ito sa kaliwang bewang nya.

Habang ang isa ay nakangisi lamang. Gumawi ang tingin ni Seliv sa akin saka nagthumbs-up.

Napailing na lamang ako habang nakangiti sa kanila.

Kakagising lamang nila habang ako ay hindi na nakatulog. Kaya naisipan ko na lamang manatili sa harap ng bonfire.

Malamang din sa oras na ito ay wala na rin sa paligid ang boss nila.

"Anong oras ka pala nakarating Fairy? You weren't punished, right?"

"No. I'm alright. But I’m sorry you all went through that, even though I was involved. " Nagpapasensya kong saad kay Seliv.

Tumango ito sabay ngiti.

"Ayos lang iyon, Fairy Princess. Buti bumalik ka. Kung hindi baka do'n na kami sa puno na 'yon. At hindi rin naman po kami papayag na magapos ka roon. At mas lalo na ang boss," natatawang usal ni Zoldi. Nakaakbay ito ngayon kay Thalio.

"Mahirap na. Iba magalit si boss," umiiling-iling na sabi ni Thalio. Tinapik pa nito nang malakas ang braso ni Zoldi.

"Aray ko! Parang bakal ang kamay mo. Tanginamo," nasasaktang daing nito. 'Yon ang parteng kanina nya pa hinihimas. Nagiging ube na rin ang kulay noon.

"Para iyan lang. Hindi mo naman 'yan ikakamatay," parang wala lang na sabi ni Thalio.

"Oo nga. Malayo sa bituka yan, gago ka," sulsol pa ni Yzol. Nagtatawanan silang lahat habang nakabusangot ang isa.

"H'wag nga kayong magmura sa harap ng fairy na 'to. Baka hawaan nyo sya," saway ni Seliv. Hawak pa ang tasa nito habang sinasalinan ng mainit na tubig.

Tiningnan ko ang mga ito. Mamaya lang ay aalis na uli sila para sa misyon.

"Anong sunod nyong mis—"

"Hep! Hindi ka na sasama sa amin Fairy Princess. Baka tuluyan na kaming mawalan ng hininga," pagputol sa akin ni Seliv.

Huminga ako nang malalim. Alam ko nang ganito ang mangyayari.

"Anong gagawin ko? Hindi ba ay kasama nyo naman talaga dapat ako sa mga ganito?"

"Oo nga. Pero malalagot talaga kami kay Boss. Dito ka na lang at magpacute sa mga puno," seryosong pahayag ni Grego habang tinataas-baba ang kilay.

Narinig ko pa ang mahinang tawanan ng iba.

Napasimangot ako do'n.

"Hindi mo na kami madadaan sa mga paandar mong ganyan, Prinsesa," singit ni Thalio bago dumila.

Mukha silang mga isip bata kahit na hindi na 'yon ayon sa edad nila. Matitikas din silang lalaki kaya nakakagulat ang ganito nilang ugali.

Nagtawanan sila at kunwaring naaawa ang mga ekspresyon.

"Matagal na kayong magkakasama?" seryoso ngunit nakangiting tanong ko na lang.

Sumeryoso nang mukha ang mga ito bago nakangiting sinagot ang tanong ko.

"Kaming lima?"

Umiling ako. Kaagad naman silang tumango.

"Kung kami nina boss ang tinutukoy mo ay dalawang buwan pa lang kami magkakakilala," pagpapatuloy ni Seliv.

"Ang totoo nyan ay kami talagang lima ay magkakakilala na. Magkakaibigan na talaga kami bago namin nakilala si boss," dagdag pa nito.

"You don't look like a commoner," pagsasabi ko nang totoo sa mga ito.

Whispers of the Ethereal Threads (𝓦𝓱𝓲𝓼𝓹𝓮𝓻  𝓢𝓮𝓻𝓲𝓮𝓼  #1)Where stories live. Discover now