Nandito na kami sa market square. Nagpatuloy kami sa aming date. Despite everything that was happening, I was still happy. It felt like I didn't care about all the noise and shouting around us. I was with him, and that was all that mattered.
Nagpadala rin kanina si Fros ng mga pamalit naming damit sa mga kawal mula sa kaharian at dinala sa amin. Mabilis kaming nakapagpalit at iniwan ang mga tauhan ng pekeng hari roon, pinaligpit at pinalinis sa tauhan ni Fros sa kagubatan.
"Let's keep moving," sabi ni Fros, habang inaayos ang suot niyang cloak pati na rin ang akin.
Tila nagningning ang mata ko sa nakita kong store. Hindi ko napansin na naiwan ko na si Fros. Naagaw ng pansin ko ang isang hairclip na kulay asul. Malamyos akong napangiti roon. Hindi ko alam na nakapasok na pala ako at pinagmamasdan iyon. Hindi ko na rin naalintana na may nagmamasid na pala sa akin. Ngunit hindi ko iyon pinansin, sa halip ay sinabing bibilhin ko ito.
Nanatiling nakatitig ang magtitinda na lalaki na sa tingin ko ay hindi nalalayo sa edad ko. Sakto ko lang napansin nang pag-angat ng ulo ko ang malagkit nitong titig.
"That one's free for a beautiful lady like you, miss," he said, his smile widening with a hint of something more.
"You can take whatever you like," dagdag pa nito.
His tone was a little confident, almost as if he was offering more than just the hairclip. May kinuha siyang isang maliit na bagay mula sa lamesa at akmang lalapit sa akin, ngunit biglang dumating si Fros. Malamig ang titig nito sa lalaki, parang nasindak ito sa presensiya ni Fros.
"Ah... I-I was just being f-friendly..." nauutal nitong sabi, pilit itinatago ang boteng hawak niya sa kamay, na agad niyang isinilid. Napasulyap pa si Fros sa hawak nitong potion at nakita ko sa mukha nito ang pagtigas ng bagang.
Walang sinabi si Fros. Tahimik niyang inilagay ang kamay sa bulsa, kinuha ang ilang pera, at inilapag iyon sa counter, sabay kuha ng asul na hairclip na nakakuha ng aking pansin.
Tumingin siya sa akin, inayos ang cloak at hinila pababa, saka marahang hinawakan ang kamay ko.
I didn't resist. He turned, gently pulling me out of the store. Ngunit bago pa kami tuluyang makalabas, tumigil siya at lumingon sa lalaki.
"I'll melt your eyes once I see you again," he said coldly, a warning in his tone that sent a chill through the air.
Alam kong babala iyon, malinaw at matalim. Ngunit sa pagkakakilala ko kay Fros, alam kong hindi lang iyon basta pananakot. Sisiw lang sa kaniya ang gawin 'yon. Pwede siyang pumatay nang hindi nagdadalawang-isip, sa isang kisapmata lang.
Sa tagal naming magkasama, kabisado ko na ang bawat galaw niya.
Tumalikod kami at naglakad palabas. Mabilis akong napalingon sa loob ng tindahan, at nakita ko na ang ilang parte ng shop ay unti-unting nagyelo at natutunaw... literal. Habang natutunaw, nasira ang mga piraso ng yelo, pati ang mga bagay sa paligid, unti-unting nawawala ang kanilang mga anyo.
Tumigil kami malayo na sa store at malapit na sa bungad ng plaza. Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa marinig ko ang mahinang tinig ni Fros. Ang nasa kamao niyang blue hair clip ay dahan-dahan niyang sinuksok sa bulsa niya.
"You can easily leave me like that, huh?" Ramdam ko ang mariing titig niya sa akin. Napatunayan ko iyon nang mapalingon ako sa kaniya.
Nanlaki ang mata ko roon.
N-No. It's not like that.
Tila dumagundong nang konti ang dibdib ko. Maybe he thinks I can easily leave him na parang isa lang siyang taong madaling iwanan.
YOU ARE READING
Whispers of the Ethereal Threads (𝓦𝓱𝓲𝓼𝓹𝓮𝓻 𝓢𝓮𝓻𝓲𝓮𝓼 #1)
FantasyShe appeared to be a paragon of innocence, her gentle look and captivating smile cloaking a scheme of duplicity. Her eyes reflect a clever mind, moving shades where her true self hides. She comprehends all too well. She strikes familial demands with...
