CHAPTER 29

59 4 2
                                        

Third Person's POV

Napapahikbi si Adelfa habang mahigpit na nakakuyom ang kanyang mga kamay. Ang malamig na hangin ng gabi ay dumadampi sa kanyang balat, ngunit hindi iyon ang dahilan ng panginginig niya kundi ang matinding kaba at takot na bumabalot sa kanyang puso.

Ang limang lalaki ay patuloy na nagbabantay, nagpipigil sa sarili na kumilos nang walang utos.

Ngunit ang isa sa kanila, ang lalaking may matalim na titig at hindi matinag na ekspresyon, ay naglalabas ng isang nakakabahalang presensiya. Para bang sa kahit anong sandali ay maaari siyang sumabog at pumatay. Ang kanyang aura ay tila nagbabanta sa lahat ng naroroon, at kahit ang kanyang mga kasamahan ay hindi mapigilang mapalunok ng laway.

Nanatili ang tensyon sa paligid. Ang maliliit na pag-uusap ng mga lalaki ay walang saysay para sa isang lalaking iyon. Tahimik lamang siyang nakaupo sa isang tabi, waring walang interes sa diskusyon ng iba, ngunit ang bawat kilos niya ay parang nagbabanta ng panganib.

Samantala, hindi na mapigilan ni Adelfa ang kanyang pagtangis. Sa bawat segundong lumilipas, lalong lumalakas ang pagnanais niyang tumakbo patungo sa kagubatan, balewala kung anong panganib ang naghihintay roon. Hindi niya alintana kung mapahamak siya, basta't makarating lang siya sa kaharian at makita muli ang prinsesa.

Hindi na siya makatiis. Tatlong araw na ang nakalipas.

Parang nagkakagulo na ang isip ni Adelfa. Hindi niya alam kung ano ang uunahin... ang takot, ang kaba, o ang tiwala niyang pilit na pinanghahawakan. Ramdam niya ang paninikip ng dibdib, para bang anumang sandali ay sasabog ito sa sobrang pag-aalala.

Napaatras siya nang bahagya, pilit pinipigilan ang sarili na tumakbo. Ngunit kahit anong gawin niya, hindi niya mapigil ang panginginig ng kanyang katawan.

Paano kung hindi na siya bumalik? Paano kung may masamang nangyari na?

"Baka nadakip na siya... b-baka pinahihirapan na siya," bulong niya sa sarili, ang kaba sa kanyang puso ay lumalakas pa lalo. Ngunit alam niyang hindi ganoon kadaling pabagsakin ang prinsesa. Matalino ito, mapanlinlang, at laging may plano.

Kahit paano, malaki pa rin ang bahagi sa puso niya ang nagtitiwala na ligtas pa ang kanyang mahal na prinsesa. Pero hindi niya kayang mapakali.

At sa isang iglap, nagdesisyon siyang tumakbo. Wala nang pag-aalinlangan.

Ngunit bago pa man siya makagalaw, isang malamig at matigas na tinig ang pumigil sa kanya.

"Stay still. My lady gave her word."

Nanigas siya sa kinatatayuan. Lahat ng lalaki ay natahimik rin, alam nilang ang nagsalita ay hindi basta-basta dapat salungatin. Ang tinig ay walang bahid ng emosyon, ngunit sapat para ipaalala sa lahat kung sino ang dapat sundin.

Ang lalaking hindi kanina nakikisali sa usapan ay ngayon ay unti-unting tumayo, ang kanyang presensya ay tila naging mas madilim at mas mabigat.

"My lady is not a cunning princess for nothing. Don't make a move," dagdag pa niya sa malamig na tono.

Tahimik na nagkatinginan ang ibang kalalakihan, pawang sumasang-ayon ngunit hindi rin maitago ang pag-aalala sa kanilang mga mukha. Hindi lang si Adelfa ang nag-aalalang baka may nangyari na sa prinsesa.

Biglang nag-angat ng ulo ang lalaki. Isang mapanganib na ngisi ang gumuhit sa kanyang labi, isang ngiting hindi mo gugustuhing makita mula sa isang tulad niya.

"If her fun's over, I'll make it continue... once she comes back," kalmado ngunit tila mapananib nitong saad.

In his mind, there was one thing he was certain of.

Whispers of the Ethereal Threads (𝓦𝓱𝓲𝓼𝓹𝓮𝓻  𝓢𝓮𝓻𝓲𝓮𝓼  #1)Where stories live. Discover now