Chapter 1

1 1 0
                                    

Buong pwersa kong itinulak ang lalaking mukhang nanggigigil.

My face distorted when I tasted blood the moment I licked my lower lip.

Putakte! Nakagat pa nga ng hinayupak!

Bumaba naman ang tingin ng lalaki sa aking bibig and I saw how his face turned into a concerned one.

“Hey!” Lalapitan na niya sana ako nang humakbang ako paatras.

“Teka nga lang!”

I even showed my two palms in front of me to stop him from getting nearer. He looked confused but ended up staying where he was standing.

Maingay ang bar at mukhang wala namang pake sa amin ang mga malalapit sa aing pwesto kaya okay lang ang maghimutol rito kaya ginawa ko.

“Alam mo, kung baliw ka huwag mo nalang akong damayin.”

Sino ba namang matino ang mag-aaya sa kung sino lang na maging girlfriend niya? Hindi ko nga kilala ang lalaking to tapos bigla nalang akong magiging girlfriend niya?

Pwede naman—ah hindi pala.

Gwapo naman siya. Amoy mayaman. Magaling humalik. Matangkad. Makisig. Magaling sa kama—No!

Bawal pa ako diyan.

“What? Baliw?” Baluktot niyang tanong.

I scoffed. “Taray! Baliw na conyo!” I laughed.

Tinalikuran ko na ito at bumalik sa counter na pinanggalingan ko kanina. Gusto ko lang naman sumayaw pero bakit kailangan ko pang makasalamuha ang baliw na ‘yon?

Hindi ko sana gustong pagkamalan siyang baliw dahil sa magaling itong humalik at sobrang pogi pa pero dahil sa kaniyang inalok sa akin ay parang kahit hindi ko kumpirmahin ay parang baliw nga talaga ito.

Ilang hakbang pa lang ang aking nagagawa nang may mainit na kamay ang humawak sa aking braso.

Suminghap ako bago ko iritang nilingon ang humawak.

Mukha itong nagulat sa paraan ng paglingon ko sa kaniya pero hindi ako binitawan ng baliw.

“Bitawan mo nga ako! Tatawag ako ng pulis! Tangina balak mo ata akong molestiyahan! Tangina maghanap ka ng kakan—Hoyyy!”

Natigil ang pagpuputak ng bibig ko nang bigla niya akong hilahin. Malakas siya kaya walang hirap niya akong nakakaladkad. Mahigpit din ang hawak niya sa aking pulso kaya hindi ko ito matanggal. Pilit ko man itong tinatanggal mula sa kaniya ay mukhang mapuputol muna ang kamay ko bago mabawi.

“Tangina naman!” naiiyak kong sigaw. “Gwapo ka pero parang awa mo naman, virginity ko nalang ang maireregalo ko sa future asawa ko! Huwag mo naman ipagkait!”

May napapatingin na sa amin habang kinakaladkad ako ng lalaki dahil sa pagsisigaw ko pero parang wala namang napapansin ang lalaki.

Naguluhan nga lang ako nang makitang nakatalukbong na ang hood ng kaniyang jacket at payuko itong naglalakad—tinatago ang kaniyang mukha.

Ayos din ang trip ng baliw na to ah… Hoodie sa bar? Baliw nga.

“Manong… Tulungan niyo po ako balak ata akong ikama ng baliw na to…” pagsusumbong ko pa sa guard nang marating namin ang entrada ng bar.

Naguguluhan namang napatingin sa amin si Manong. Pumalahaw ako sa peke kong pag-iyak nang hindi niya kami lapitan.

“Damn…”

Mura ng lalaki nang lumapit sa amin ang security guard kaya napahinto ito sa pagkaladkad sa akin.

Agad kong hinawakan ang naguguluhang guard at sinimulan ang pagpapaawa.

Reward of ChaosWhere stories live. Discover now