Prologue

2 0 0
                                    

“Kapagod mabuhay!”

Pasalampak akong naupo sa sofa at agad na ipinikit ang aking mga mata dala ng hilo at antok. Kagagaling ko lang sa 8-hour duty ko at para na akong mawawalan ng bait sa sobrang pagkapagod.

Minsan napapatanong nalang din ako kung pwede bang mabuhay nang hindi napapagod o nahihirapan.

Iyong tipong tamang ganda-gandahan lang.

Bakit kasi kailangan pang paghirapan ang pera? Bakit kailangan pang magtrabaho? Mag-aral?

Hindi ba pwedeng yumaman nalang tayong lahat nang walang ginagawa?

Gusto ko lang naman yumaman pero bakit kailangan ko pang magtrabaho habang nag-aaral? Bakit kailangan ko pang makipagdeal sa mga matatandang prof na akala mo naman queen of the Philippines kung makapagbigay ng mga assignments? Iyong tipong kakabigay lang ng isa dadagdagan pa.

Akala naman nila ay sumasapi sa amin si Multimind.

Mayroon pa ngang mga professors na kung makapagbigay ng exam ay batak na batak hindi naman nagtuturo. Kung magturo man ay hindi naman marunong mag-explain nang maayos.

Hayop na buhay. Feeling main character ang atake. Akala niya naman ay natutuwa ang katulad kong Disney princess.

Ang goal ko lang talaga sa buhay ay yumaman pero parang imbes na malibot ko ang buong mundo ay parang sa langit nalang ako nito magpapaikot-ikot sa sobrang pagkapagod.

“Hoy bruha! Napuno na ng laway mo ang sofa!”

Mariin akong napapikit nang magsimula nang pumutok ang mala-armalite na bunganga ng kaibigan ko.

“Tangina naman!” palapit na ang boses nito kaya unti-unti ko nang iminulat ang mga mata ko.

Ayaw ko nang humaba pa ang pagtatalak niya dahil hindi ko gugustuhing marinig ang mga susunod na lalabas sa kaniyang bibig.

“May kama ka naman pero ang hilig mo talagang matulog sa sofa!” magkasalubong ang kilay nitong reklamo. “Nag-aamoy laway na ang sofa sa kakatulog mo diyan!”

Kahit na nahihilo pa ay naupo nalang ako sa sofa at sinalubong ang tingin ng nagpupuyos kong kaibigan.

“Aga-aga ang ingay mo!” humihikab kong reklamo.

Hindi na ako nagulat nang mabilis siyang nakalapit at hinila ang aking buhok. Napaigik ako sa sakit na dala noon.

“Yawa ka, Maraiah Bernadeth!”

Patapon niyang binitawan ang aking buhok nang kompleto kong banggitin ang pangalan nito.

Mabilis ko namang kinapa ang aking ulo. Baka kasi humiwalay na ito sa pagtabig niya.

Bakal pa naman ang kamay ng bruhilda kong kaibigan.

“Huwag mo akong hinahamon, Pomerania!”

Napangiwi ako sa pangalang binanggit niya. Hindi ko nga alam kung pangalan pa ba iyon o ano? Sino ba naman kasing matinong magulang ang magpapangalan sa anak nila sa isang breed ng aso?

Mabuti nga at nahiya pa sila at hindi na sinamahan ng 'n' ang dulo nito.

Aabutin ko na sana ang buhok ng kaibigan ko pero mabilis itong tumakbo papunta sa pinto. Tatawa-tawa pang kumaway ang bruha.

“Una na ako Pomerania! Lock mo ang pinto at baka makapasok ang kalahi mong mga Aspin.” Pang-aasar pa ng bruha.

“Bernadeth, panget!” sigaw ko nalang nang tuluyan na itong makalabas.

Kahit na inaantok pa ay wala na rin akong nagawa kundi ang maligo at mag-ayos dahil may klase pa ako.

Mapaglaro talaga ang buhay. Papagurin ka muna bago yumaman.

Reward of ChaosWhere stories live. Discover now