"Ate, pahingi pong barya… Pangkain lang…"
Napahinto ako sa mabilis na paglalakad nang biglang may sumulpot na batang gusot-gusot ang damit at mukhang hindi naligo nang ilang araw base sa dumi ng kaniyang katawan.
Linggo ngayon kaya napagdesisyunan kong magsimba. Kakalabas ko lang ng simbahan nang mapatigil dahil sa humarang na bata.
Imbes na mandiri sa hitsura ng bata ay nag-squat ako para mapantayan ang kaniyang taas.
“Hi!” I greeted her with a smile.
Napakurap-kurap naman ang batang babae at pinakatitigan ako.
“Ang ganda niyo po…” namamanghang usal niya.
I laughed. “Naku, huwag mo nga akong utuin! Bibigyan naman kita kahit hindi mo ako purihin eh!” natatawang sabi ko dito.
She scrunched her nose. “Totoo po!” giit niya sa nagniningning na mga mata. “Pwede po kayong mag-artista.”
“Huwag na.” umiling-iling ako. “Baka maraming artista ang mawalan ng trabaho kapag pumasok pa ako sa industriya.”
Natawa siya.
“Kumain ka na?” pag-iiba ko ng usapan.
Nahulog ang ngiti nito at umiling. “Hindi pa po.”
“Tara, kain muna tayo.”
Dinala ko ang bata sa malapit na fast food chain sa simbahan. Mabuti na lang at hindi masyadong marami ang tao sa loob kaya nakapag-order kami kaagad at nakakain.
“Ilang taon ka na?” tanong ko habang kumakain kami.
Nilunok niya muna ang pagkaing nginunguya bago siya nagsalita. Napangiti naman ako sa kaniyang ginawa.
“Sampu po.”
“You’re still so young.” Puna ko.
Napatango-tango naman siya at nagpatuloy sa pagkain.
“May nanay at tatay ka pa ba?”
I know that the question is somehow insensitive, but I want to know why she ended up in this situation.
Umiling ang bata at nakita ko ang pagdaan ng pangungulila at sakit sa kaniyang inosenteng mga mata.
“Wala na po…” pabulong niyang sagot. “Iniwan na po kami ni Papa noong nabuntis si Mama sa bunso naming kapatid tapos noong nanganak si Mama po sa bunso namin ay iniwan niya din po kami. Tatlo po kaming magkakapatid.” Kwento nito.
I heaved a heavy sigh as I felt my chest clench just by hearing a part of her story. She’s—they are still young for the world to be this cruel.
“Ikaw ba ang pinakamatanda?”
Umiling siya. “Hindi po… Mayroon pa po akong ate labing-dalawang taon po siya tapos iyong bunso namin ay pitong taon pa lang.”
“Ang babata niyo pa…”
I don’t know why some kids experience this situation. Hindi ko alam kung sino ang sisisihin o kung mayroon nga ba?
Can we blame the kids? Of course not! Hindi nila piniling mabuhay sa sitwasyong ganito. Sa pakiramdam ko nga minsan ay hinihiling nilang sana ay hindi na lang sila pinanganak para hindi nila maranasan ang paghihirap na ito.
Kids like them are not living their life but instead, they are just surviving each day that comes to them.
What they are doing is surviving and not living life.
On the other hand, can we blame the parents? Maybe yes, maybe no.
Building a family is a decision that should be thought not just once or twice but it should be planned thoroughly. You should not build a family only because you want to but because you want and you’re capable of building one.
