Mas naging maingat ako sa bawat galaw ko simula noong matanggap ko ang mensaheng iyon galing kay Mamie.
Alam ko naman na hindi habang buhay ang pagtatago ko sa kanila pero kung kaya ko lang din namang maiwasang pagtagpuin ang mga landas namin ay gagawin ko.
Ayaw ko muna silang makita. Pero alam ko din na dadating ang araw na gustuhin ko man o hindi, mapipilitan akong harapin sila.
"Kamusta na si Papa mo?" tanong ko kay Mara pagkatapos kong sumimsim sa aking kape.
Hindi na kasi ito nagkukuwento tungkol sa kaniyang pamilya kaya sa tingin ko ay okay na ang Papa niya.
Napatigil ito sa pagsubo ng pandesal at ngumiti sa akin. "Okay na... Mukhang ayaw niya pang magpasundo kay San Pedro." Tawa nito kaya natawa din ako.
Mukhang okay na siya kaya masaya ako para sa kaniya.
"Hindi ka na nagtatrabaho?"
Isa iyon sa mga napansin ko sa kaniya. Kapag galing sa eskwelahan ay diretso pahinga na ito at hindi na nagpapakapagod sa pagtatrabaho.
Umiling ito. "Hindi na. Nakakapagod na rin kasi eh."
Napatango ako dahil sa kaniyang sinabi.
Nakakapagod nga talaga ang magtrabaho pero kung gusto mo talaga ang ginagawa mo at kung may pangarap ka, hindi mo iyon iniinda.
Katulad nalang ng sa akin. Pagod na ako galing sa eskwelahan tapos didiretso pa ako sa trabaho imbes na magpahinga pero hindi ko nalang iyon masyadong iniisip dahil alam ko namang ginagawa ko ang bagay na ito para sa aking sarili.
I love myself so I will do everything for her.
Ayaw pa nga sana ni Mamie na magtrabaho ako dito habang nag-aaral dahil pwede niya naman daw akong suportahan pero ako itong nagmatigas.
Mamie knows that I was used to living in luxury with people serving me so the idea of me working to support my studies didn't please her.
Pero pinilit niya talagang tulungan ako kaya siya ang nagbabayad ng tuition ko sa prestihiyosong paaralan na pinapasukan ko ngayon. Hindi na rin ako tumanggi dahil kung sa sweldo ko lang ako kakapit ay hindi ako makakatapos ng isang sem.
Pinapadalhan niya din ako ng allowance pero hindi ko iyon ginagalaw at hinahayaan nalang sa aking bank account.
Ayaw ko talagang maging abala kay Mamie dahil tinulungan na niya akong makalayo sa aking mga magulang pero siya talaga itong nagpupumilit na kahit pigilan ko ay may dumadating pa rin sa aking grasya.
"I'm happy for you," I sincerely said to her. "You aren't obliged to work now because you're much more stable financially."
Nakitaan ko ng guilt ang mga mata ni Mara pero agad din iyong nawala nang kumurap ito.
Ngumiti ito pero hindi umabot sa kaniyang mga mata. "Oo nga eh..."
I ignored her weird reaction.
"Aalis pala ako..." I brought up.
Sabado ngayon kaya wala kaming pasok. Pupunta ako sa condo ni Kairo at doon ako tatambay ng buong araw.
Isang beses na tumango si Mara. "Saan ang punta mo?"
"Kay Kairo."
Nakuha ng sagot ko ang kaniyang atensiyon. Seryoso niya akong inangatan ng tingin.
"Kayo pa rin?"
Natawa naman ako sa naging reaksiyon niya. "Oo naman."
She slowly nodded but her reactions remained serious. "Mahal mo?"
