Chapter 24

1 0 0
                                    

"Xy, uuwi ka na?"

Nilingon ko si Jeremy na sumabay sa akin sa paglalakad.

"Oo eh... Ikaw ba?"

He's one of the few people I'm used to interacting with at my work.

Mabait siya at gaya ko ay working student din kaya nakakarelate kami sa isa't isa.

"Pauwi na din." aniya na may malaking ngiti labi. "Kape muna tayo."

"Wala akong pera eh..." Ngumuso ako. "Libre mo?"

Natawa ito tsaka niya ako inakbayan.

"Oo, tara na."

Dinala ako ni Jeremy sa cafeteria ng kompanyang pinagtatrabahuan namin.

"Ano na nga palang year mo ngayon?" tanong ko habang hinihipan ang mainit na kape.

"Graduating na rin." He chuckled.

Napatango ako. "First year college palang nagtatrabaho ka na dito noh?"

Ibinaba niya ang kapeng kaniyang sinimsiman. "Actually pagka-eighteen ko palang nagtatrabaho na ako."

Umawang ang labi ko sa nalaman. "Ganoon kaaga?" gulat kong pagkukumpirma na tinanguan niya. "Bakit?"

Pinagsalikop ko ang aking mga kamay at pinatong iyon sa mesa. I even placed my chin on my clasped hands to lean closer so I could hear everything he'll say.

"Wala eh... Kailangan." he said, shrugging. "Alam mo kasi kung panganay ka, nakakahiyang iasa sa mga magulang mo ang sarili mo lalo pa kung kaya mo naman nang makagawa ng paraan para matustusan ang mga pangangailangan mo. Alam mo yun? Panganay things." aniya nang natatawa.

Oh... I didn't know that.

Nag-iisang anak lang ako kaya hindi ko alam ang mga pinagdadaanan ng isang panganay at kung ano man sa mga gitnang anak o di kaya ay bunso.

Well, people would often label the 'panganay' as 'tagaahon sa hirap ng pamilya' while the middle child is the kid whom the parents would often neglect while the 'bunso' is the spoiled one, they say.

While for some this must be true, for others it is not.

May mga bunso naman kasi sa pamilya na akala ng lahat ay nakukuha ang gusto nila nang dahil sa bunso card na iyon pero ang totoo ay kadalasang sila pa ang least priority ng pamilya.

Like, 'Si ate muna, mas kailangan niya to.'
'Si Kuya muna, bata ka pa naman.'
'Sa susunod ka nalang, ang mga ate at kuya mo muna.'

There are even times when the youngest is forced to not attend school since the parents couldn't afford sending all of their kids to school.

Iyong patatapusin muna si Kuya at Ate bago magpatuloy si bunso.

Sometimes, it is a catch for the youngest, but most of the time it's a curse.

Swerte kung pagkatapos mag-aral ni Ate at Kuya ay maaalala pa si bunso pero kapag hindi na, kawawa ang sakripisyo ni bunso para sa kanila.

On the other hand, for the 'panganays,' they often have pressure on themselves.

They couldn't fail because their family believes that they will succeed so they could give them a good life.

Sila iyong magtatrabaho, gaya ni Jeremy, para makatulong sa pamilya o kahit man lang masuportahan ang kanilang sarili at huwag umasa sa mga magulang.

And for the middle child, they are the average.

The burden of the eldest is shared with them and the privileges of the youngest are also shared with them.

Reward of ChaosWhere stories live. Discover now