Chapter 9

0 0 0
                                    

“Xy? Are you done?”

Kinatok na ako ni Kairo sa kwarto na tinulugan ko dito sa bahay nila. Paano ba naman ay halos isang oras na simula nang magpaalam akong magpapalit lang ng damit pagkatapos naming kumain dahil nag-aaya si Celeste na maligo sa dagat.

Nasa likod lang naman ng bahay nila ang dagat na pagliliguan namin. Namasyal na kami doon at naalala ko pa kung paano ako nagulantang nang malamang may dagat sa likod ng mansiyong ito. Napaisip pa nga ako kahapon kung pinapasok ba ito ng baha pero noong nakita ko ang mataas na pader na nakapalibot sa bahay ay nasagot ko naman ang sarili kong tanong.

Hindi ako nakapagdala ng panligo dahil hindi ko naman inaasahang dito pala ako dadalhin ni Kairo. Pero ang lalaki ay mukhang pinaghandaan dahil may inabot siya sa akin kanina na isang paper bag at nang buksan ko iyon ay isa iyong pares ng two-piece!

Sinuot ko na lang din kaysa naman sa lumangoy ako sa dagat nang naka-dress diba?

Puro pa naman dress ang dinala ko kaya ngayon sa tingin ko ay nasa kalahating oras na akong nakatingin sa katawan ko sa pamamagitan ng body-length mirror na nasa kwarto.

“Sandali na lang!” sigaw ko pabalik. “Susunod na lang ako!”

“We’ll wait for you downstairs.” Aniya at narinig ko na ang kaniyang papalayong mga yabag.

Binuga ko sa aking bangs ang mabigat na hiningang aking hinugot bago pinakatitigan ang aking suot.

I’m wearing a classic harbor bikini with a whimsical bow print inspired by vintage textiles. The sweet and sexy triangle top features a playful ruffle lining with interior bust seams. The print continues on the thin strings that tie comfortably around the neck and back. The bottom has a classic, revealing cut with string ties at each hip that make it adjustable.

It suits my body really well and the piece of clothing is beautiful too but I can’t help myself but to feel conscious.

Confident naman akong maganda ang katawan ko pero hindi ko maiwasan ang mahiya! My fair skin is only covered with this thin clothing kaya halos makita na lahat ng tinatago ko!

Oh… That’s exaggerated.

My tattoo on my upper right breast is also showing. It is a flock of birds flying away. Medyo may kalakihan iyon kaya kitang-kita. Nakikita rin ang belly button piercing ko which is a butterfly.

Parang bad girl naman ang datingan ko nito.

I pouted as I reach for the pink robe to cover up my body. Sinuot ko na lang din ang aking slides at napagdesisyunan nang lumabas.

“Stop running, Pomerania!”

Agaran ang pagngiwi ko nang ang sumalubong sa akin habang bumababa sa enggrandeng hagdan nila Kairo ay ang matinis na sigaw ni Celeste habang hinahabol ang kaniyang aso.

Hindi ko alam kung paborito ba ako ng tadhana na paglaruan at nagkataong pareho talaga ang second name ko sa pangalan ng aso ni Celeste!

Tawang-tawa pa kahapon si Kairo sa naging reaksiyon ko nang malamang iyon ang pangalan ng aso ni Celeste.

Akala ko ay ligtas na ako dahil walang "n" ang pangalan ko pero parang associated nga talaga sa aso ang pangalang ibinigay sa akin ng mga magulang ko!

Hayop! Ginawa pa kong hayop eh!

“You should change the name of your dog, Celeste.” Natatawang sabi ni Kairo habang pinapanood ang kapatid na buhatin ang aso.

My lips parted a bit when I saw that Kairo is wearing a board shorts with the same design as my swimsuit. On top of it is his usual white shirt.

Reward of ChaosWhere stories live. Discover now