“Xy, kailan nga iyong midterms natin?” tanong ni Mara sa akin habang kumakain.
Sumimsim ako sa mainit kong kape bago siya sinagot. “Dalawang linggo mula ngayon.”
Napabuntong-hininga si Mara pagkatapos niyang lunukin ang pandesal na nginunguya.
“Ano ba ‘yan? Bayaran na naman!” reklamo niya.
Kumunot ang noo ko. “May problema ba?”
Sa halos tatlong taon naming magkasama ni Mara sa iisang apartment, alam ko na ang mga paganito niya. Hinihintay ko lang siyang magsabi.
“Nahospital si Papa,” malungkot siyang napangiti. “Pinadala ko lahat ng pera ko sa probinsiya para magka-allowance ang mga kapatid ko.”
Napatango ako.
Mara is the eldest among her siblings. She has four younger siblings, and her father is a jeepney driver while her mother stays at home to take care of her siblings.
Mahirap ang buhay nila Mara. Senior high palang ay nakipagsapalaran na siya dito sa Manila para magtrabaho. She’s also a call center agent—pinagsasabay niya rin ang pagtatrabaho at pag-aaral katulad ko.
Ang pinagkaiba lang ay nasosolo ko ang kinikita ko sa trabaho habang siya ay hinahati niya pa ito para makapagpadala ng pera sa probinsiya.
I really admire her love for her family.
She could have neglected them if she wanted, but in three years that I’ve been with her, I never saw her abandon her family.
Mahirap sila pero hindi iyon naging rason para kay Mara na basta-basta nalang talikuran ang kaniyang pamilya bagkus naging rason pa iyon para mas sipagan niya ang pagtatrabaho at pag-aaral.
Kaya minsan, sa tuwing napapagod na ako sa buhay, tinititigan ko nalang si Mara.
Sobrang bigat ng mga pasanin niya bilang ate at anak, pero ni minsan ay hindi niya naisip na sumuko. Minsan ay naaabutan ko siyang napapaiyak sa sitwasyon niya pero hanggang doon lang iyon. Hindi lumalagpas sa linyang iyon kahit pa na sobrang hirap na ng kaniyang buhay.
She really is a tough and strong woman that I admire the most.
I really admire people who can fight life challenges without thinking of sacrificing everything they have.
I can’t relate to that as I know that when life throws me heavy challenges, I would have abandoned everything I have, even if it means sacrificing my happiness and comfort.
“Kailangan mo ng pera?” direktang tanong ko sa kaniya.
Nahihiya man ay tumango pa rin ito. “Oo sana eh.” She bit her lips like she was so shy. “Marami kasing group activities na isusubmit before midterms, naubos na ang pera ko.”
I smiled as I reached her hand. “Huwag kang mahiya sa akin, Mara,” I gently said, trying to make her comfortable with me.
Isa rin ito sa mga ugali na gusto ko kay Mara. Iyong kahit na ilang taon na kaming magkasama, hindi niya iyon tinitake advantage para makuha ang gusto niya.
She’s comfortable with me but not too comfortable to ask me for things or money when she needs it.
“Eh kasi palagi mo nalang akong sinasalba sa tuwing naghihirap ako.” nakangusong aniya.
Pabiro kong hinampas ang kaniyang kamay. “Baliw! Alangan naman lulunurin kita kung meron naman akong salbabida, diba?”
Kumunot ang kaniyang noo. “Anong connect?” bara niya kaya kaagad ko siyang sinabunutan.
