Chapter 3

1 0 0
                                        

“Ano?” taas-kilay kong tanong kay Kairo na mukhang naguguluhan, nalilito o kung ano man.

Paano ba kasi, nakaupo na ako sa malambot niyang sofa at nakalayo na nga rin siguro si Casey, pero siya ay nananatiling nakatayo sa pwesto niya simula pa kanina.

“Wala ka bang pa-breakfast?”

Napakurapkurap ito na parang kakagising lang.

Pogi nga pero lutang naman.

Hayysss… Talaga namang you can’t have it all.

“I ordered food for us… It's on it's way..." he said as he sat on the singular couch.

Katabi lang iyon ng sofang inuupuan ko pero may kalayuan pa rin naman. Mabuti naman.

Ayaw ko namang magkandungan kami. Saka na kapag totoong girlfriend na niya ako.

I nodded nonchalantly. “So, bakit ko nga kailangang umaktong girlfriend mo?”

His eyes widened. Parang hindi makapaniwala.

My face distorted.

Oa ba to? Grabe kung maka-react eh.

“Y-You will?” hindi makapaniwalang pagkumpirma niya.

Kumunot ang noo ko. “Panaginip lang ba ‘yon?” pabulong kong tanong. “I thought you offered me to pretend as your girlfriend in exchange for money? Or panaginip ko—“

He abruptly shook his head—cutting me off. “No! No!” Natatarantang ani. “I really mean it.”

“Oh ‘yon naman pala eh… Bakit gulat na gulat ka?”

He looked away as he pursed his lips.

Napatingin din ako sa labi niya at hindi napigilang mapakagat labi.

Pwede kaya akong makahingi ng morning kiss?

Girlfriend niya naman ako ah.

“I thought you were just drunk that’s why you agreed.” He softly said. “I was about to clarify it to you today. But since you appeared a while ago and maybe Casey really assumed that you are my girlfriend, I guess there’s no backing off already…” He said shrugging.

I scorned. “May bayad naman diba?”

“Yeah?”

Nagningning ang mga mata ko. “Magkano?”

“Fifty thousand per month?” he queried hesitantly.

My eyes widened. “Fifty thousand?” I echoed hysterically.

“Is it not enough?” natataranta niyang tanong. “I could make it a hundred thousand—“

“Ginagago mo ba ‘ko?” I asked frantically to cut him off.

“What?” now he looked confused.

“Ang laki ng fifty thousand per month para lang magpanggap na girlfriend mo tapos gagawin mo pang one hundred thousand? Gago ka ba?”

Sino ba naman kasing matino ang magbabayad ng 50,000 per month para maging girlfriend niya? Tapos ang lala pa na gagawin niyang 100,000 per month! Eh kung pumayag ako tapos magpapanggap ako bilang girlfriend niya sa loob ng sampung buwan edi milyonarya na ako!

Mukha akong pera pero hindi naman aabot sa point na manggagamit ako ng ibang tao kaya malaking NO!

“Pretending to be my girlfriend is not easy.” He simply said.

Sumandal ito sa upuan at prenteng ipinatong ang isang paa niya sa kaniyang hita habang tinitingnan ako.

Nagsalubong ang aking kilay. “Isa ka bang mafia boss?”

Reward of ChaosWhere stories live. Discover now