Boyfriend for real: Tulog ka na?
Alas otso na rin ng gabi nang matanggap ko ang mensaheng iyon. Patulog na rin sana ako para makapagpahinga na dahil wala naman akong duty ngayon.
Kaso nawala ang aking antok nang matanggap ko ang mensahe galing kay Kairo.
Agad akong nagtipa ng reply.
Me: Secret🫣
Hindi pa lumilipas ang dalawang minuto ay nakatanggap muli ako ng mensahe galing sa kaniya.
Boyfriend for real: Lol🤣 let's stroll around. Sunduin kita.
Wow! Hindi man lang ako binigyan ng choice.
Compulsory ba ang stroll around niyang yan?
Hindi naman sa ayaw kong sumama pero hindi ko matanggap na tinanggalan niya ako ng freedom of speech!
Kaya naman tuwang-tuwa akong nagbihis ng damit at patalon-talon pang pumunta sa harapan ng kwarto ni Mara.
"Bernadeth!" Sigaw ko mula sa labas.
"Tangina mo, Pomerania!" Sigaw naman nito sa loob.
"Harapin mo ako nang sa ganoon ay maliwanagan kang akin lang si Kairo!"
Hindi pa nagtatagal ay agad na iniluwa ng pinto ang magkasalubong ang kilay na Mara.
Agad niyang hinila ang aking buhok pero binitawan naman kaagad.
"Hindi ko naman inaagaw, Pomerania! Tangina mo feeling entitled ka!" Aniya.
I flipped my short hair and smiled like a bitch at her. "Ikaw ba naman may boyfriend na artista kung hindi ka magfefeeling entitled."
Sabay kaming humalakhak ni Mara.
"Saan ka pupunta? Gabi na ah." Puna niya.
I smirked. "Magpapalahi sa poging artista." Sabi ko kaya agad niya akong binatukan.
"Gaga ka! Pag-ikaw napasama sa mataas na populasyon ng teenage pregnancy sa Pilipinas ha!" Banta niya.
Napangiwi ako. "Bente anyos na ko gaga!" Ako naman ang bumatok sa kaniya. "Sige na, alis na ko."
"Uuwi ka ba?"
"Magpapalahi nga! Malamang hindi!" Biro ko dito.
Minura niya pa ako bago ako lumabas nang tuluyan.
Uuwi naman ako pero siguro gabi na. Depende kung saan ako dadalhin ni Kairo ang importante ba ay maiuwi niya lang akong buo at virgin, goods na ako.
Sakto namang paglabas ko ay kakarating lang din niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto mula sa loob kaya tuwang-tuwa akong pumasok.
Kaagad akong ngumuso pagkaupo ko sa passenger seat kaya natawa siya.
Pinatakan niya ako ng malambot na halik bago siya nagsimulang magmaneho.
"Hindi ka ba napapagod sa paghahanda sa concert mo?" Tanong ko habang nasa daan kami.
Gustong-gusto ko talaga sa tuwing nagmamaneho ito at sa daan lang ang mga mata dahil malaya kong natititigan ang kaniyang mukha.
Ang gwapo niya talaga at kung ikukumpara siya sa ibang artista sa kasalukuyan ay parang ingrown niya lang talaga ang mga ito kaya hindi nakakapagtakang marami ang humahanga sa kaniya.
Bukod rin kasi sa itsura niya ay magaganda din ang mga kantang inilalabas ni Kairo. Tsaka ang mga kanta niya ay hindi puro love songs. Kung tutuusin nga ay mas lamang iyong mga kantang tungkol sa buhay kaysa sa pag-ibig.
