Harris: Walang pasok ngayon, may general cleaning. Mag-explain ka sa amin, Xyrene Pomerania! Coffee shop sa harapan ng school, ASAP.
Kakatapos ko palang maligo ay iyon kaagad ang bumungad sa akin. Nagpapasalamat ako na walang pasok, pero sa tingin ko ay ngayong umaga lang naman ang aabutin ng general cleaning na iyan, pero goods na rin para makapagpahinga kami ng kaunti.
I’m in my third year of taking BS Tourism Management, and this year is not a joke on my part. Mahirap pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho lalo na ngayong third year ako kaya meron na akong 24 units with 8 subjects to take.
Oo, para sa iba kaunti lang iyon, pero para sa akin na nagtatrabaho pa kung gabi ay para na akong mawawalan ng bait.
Imbes na magmadali dahil kung normal na araw lamang ito ay late na ako, hindi na ako nag-abalang bilisan ang aking kilos. Nakapaglagay pa ako ng usual makeup ko bago umalis ng bahay kaya imbes na 7:30 ang madalas kong pasok ay naging 9:00 na ng umaga.
Kinailangan ko pang sumakay ng jeep dahil medyo may kalayuan ang apartment namin sa eskwelahan.
Napakunot ang aking noo nang maramdaman ang nanunusok na tingin ng mga estudyante sa aking harapan nang makasakay na ako sa jeep. Tatlong babae ito tapos mukhang kaedad ko lang din, pero kung makatingin sa akin mula ulo hanggang paa ay animo’y tatlong nanay kong hinuhusgahan ako.
Mukha palang nga nila ay parang mas makulubot na kaysa sa isang nanay.
Napatingin pa ako sa suot kong standard uniform namin. I wear a white blouse with my school’s logo on the upper portion of my left chest, a navy blue knee-length skirt, a navy blue blazer, and three-inch black shoes.
Pormal naman ang damit ko kaya alam kong hindi iyon ang ikinasasama ng tingin nila sa akin.
Ano bang problema ng mga inggratang ‘to?
Alam ko namang maganda ako, pero hindi naman ako sobrang ganda para tapunan nila ng ganoong tingin.
“Sana nag-tourism na lang tayo, noh?” biglang saad ng babaeng nasa gitna na nagpaalerto sa akin. “Ganda-gandahan lang, hindi na natin kailangan mag-aral nang sobra-sobra.”
Napaawang ang aking labi sa narinig. Nag-init pa ang ulo ko sa tawanan ng mga gaga. Hindi ko sila nilingon at pinanatili ang mata sa harapan.
“Kaya nga.” Sang-ayon naman ng isa na nakikita ko ang blush on mula sa gilid ng aking mata—pabilog ang blush on niya na para bang hindi siya marunong mag-blend.
“Bakit kasi Engineering pa ‘yong kinuha natin kung pwede namang mag-ganda-gandahan nalang sa Tourism?” sabat naman ng isa na mukhang hindi nakapunta sa salon sa sobrang dry ng kaniyang buhok.
Alam kong pinariringgan nila ako at mukhang naghahanap pa ng away pero dahil wala ako sa mood pumatol ay umakto na lang akong walang narinig.
Ano naman ang mapapala nila kapag ininis nila ako? Mapapakain ba sila noon? O sadyang gusto lang nilang kunin ang atensyon ko? Hindi ba nila naranasang pansinin ng isang magandang katulad ko?
Pwes, hindi ko ibibigay sa kanila ang gusto nila.
Dahil mga nasa 6 lang naman kaming sakay ng jeep at malapit na akong bumaba ay umusod ako sa harapan at inabot sa driver ang labin-limang pisong pamasahe ko.
“Estudyante, Manong!” sinigurado kong maririnig ng tatlong asungot ang susunod kong sasabihin. “Tourism student po, Manong. Nag-aaral ng foreign languages, entrepreneurship, accounting and finances, tourism policy and planning, customer service, destination management, cultural tourism, marketing and promotion, sustainable tourism, travel and tour operations, at marami pa pong iba.” Mahaba kong recite kay Manong.