I know that I'll leave him...
But not this early.
I know that what we have is all temporary, especially since I am not the kind of person who is meant for him.
I am not meant for him; that's a fact.
I am too broken and problematic to be in his almost perfect life.
Ngayon ko lang napagtanto ang lahat.
Sana una palang noong tinotoo niya ang lahat-lahat ay sana umatras na ako.
Akala ko kasi katulad noong una niyang alok ay biro-biro lang ito. Hindi ko inakalang sa loob ng tatlong buwan naming pagsasama ay pareho kaming malulunod.
Hindi ko alam kung sino sa amin ang makakaligtas pero alam ko na kung may makakaligtas man sa amin, ay hindi na nito masasagip ang isa lalo na sa gagawin ko ngayon.
Nakakatakot nga talagang sumaya.
I was just having so much fun a while ago, and now, I am silently sobbing in the lone parking lot.
It hurts me a lot that my mother didn't even leave me a choice.
She gave me one but she really knows how to make me fall into her trap.
She really knows how to hit the perfect spot.
I love Kairo... So much.
He was the reason why I found my purpose.
Even if it is just a short period of time, I was able to live my life meaningfully.
I didn’t just live in peace but I also lived in a loving and fun way.
He made me see and feel how beautiful this life is.
That there's something more beautiful than living in peace.
If only I could stay by his side forever... I would.
But God chose me to be one of His strongest soldiers.
Masakit... Sobrang sakit dahil kailangan ko muling isakripisyo ang bagay na gusto kong gawin...
Gusto kong manatili sa tabi ni Kairo kahit isang taon man lang but my mother wouldn't really allow me to do what I want.
Alam kong kayang protektahan ni Kairo ang sarili niya pero alam ko din na sobra-sobra ang sakripisyong ginawa niya para lang protektahan si Celeste.
That angel...
Ayaw ko nang madamay ang ibang tao sa walang kwentang buhay ko na ito.
Nadamay ko na si Kairo at hindi ko na kakayanin na pati ang nananahimik niyang pamilya ay hilahin ko pa patungo sa bangin na kinaroroonan ko.
Aggressively, I wiped my already dried eyes to ensure that there was no evidence of crying when I saw Kairo entering the dimmed parking lot.
Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili nang maramdaman kong para na akong maiiyak habang tinatanaw ko palang ang lalaking minahal ko nang halos tatlong buwan pa lamang.
Hindi man lang kami hinayaan ng mundo na magsama kahit isang taon man lang at talagang tinapos na ito nang mabilisan.
Maybe our love got rejected...
Mahahalata sa mukha ni Kairo ang pagod lalo na sa namumungay niyang mga mata na kahit may kadiliman ay makikita na naaantok na ito.
Mabuti nga at nagtagal siya sa loob bago pumunta dito at hindi niya naabutan si Mama.
I drew a deep breath as I watched Kairo take another step as his tired eyes met mine.
Ang pagod sa kaniyang mga mata ay kaagad na napalitan ng saya nang magtama ang aming tingin.
