Maaga nga akong sinundo ni Kairo kinabukasan. Tinext niya rin ako kagabi na magdala daw ako ng damit na kakasya para sa isang gabi at dalawang araw dahil martes pa kami ng hapon uuwi para daw kung gusto ko pang magtrabaho ay pwede ko pang gawin.
Hindi ko nga lang alam kung saan kami pupunta pero sinunod ko nalang din ang kanyang sinabi.
Dumaan muna kami sa isang coffee shop na nadaanan namin para hindi na namin kailangan mag-stop-over sa daan. Marami naman nang bukas na fast food chain at restaurant pero mas pinili niya talaga ang coffee shop. Hinayaan ko nalang din dahil hindi ko naman gustong mag-heavy breakfast.
“Saan ba tayo pupunta?” tanong ko nang halos dalawang oras na kaming nasa daan.
Inaabala ko nalang ang sarili ko sa pakikinig sa kanyang mga kantang tumutunog sa stereo ng kanyang sasakyan. Ayaw niya pa nga sana kanina na iyon ang ipatugtog ko pero noong sinabi kong bababa ako kung hindi iyon ay ipapatugtog ay hinayaan niya nalang ako.
Pinakialaman ko na nga rin ang iPad niya na nakita ko sa sobrang pagkabored. Ilang levels na ng Plants vs. Zombies ang natapos ko pero hindi pa rin namin nararating ang patutunguhan.
Napapansin ko rin na napapadalas na ang pagtangay niya sa akin patungo sa mga lugar na hindi ko alam. Parang palagi nalang akong nagtatanong kung saan kami pupunta sa tuwing nakakaupo na ako sa passenger seat ng kanyang Porsche.
What if dadalhin niya pala ako sa Encantadia? Edi hindi na ako makaback-out dahil malayo na ang narating namin nang malaman ko!
Hayop din eh.
“La Union.” Simpleng sagot niya.
“La Union?” nanlalaki ang mga mata kong ulit. “Tangina bakit mo ko dadalhin doon?” kinakabahan kong tanong.
Sabi na ehh… Paano na ako ngayon makakabalik sa Manila eh malayo na kami doon?
Baka may masamang balak siya sa akin at para hindi ako makasumbong ay dinala niya ako sa malayong lugar. Iyong parang sa mga movies? Na pagkatapos makuha ang gusto ay papatayin ka at itatago sa malayo at liblib na lugar tsaka iiwanan.
Mabait naman si Kairo pero what if kasama ito sa mga plano niya? Iyong nagbabait-baitan pero sa loob naman ang kulo. Paano kung—
“Chill…” natatawang aniya. “May bibisitahin lang ako.”
Pagilid ko siyang sinulyapan. Nakatutok ang mga mata nito sa daan. Tanging isang kamay lang ang nakahawak sa manibela dahil ang isa ay nakatukod sa bintana sa gilid at pinaglalaruan ng kanyang daliri ang kanyang labi.
Nang-aakit ba to?
“Bakit mo ko sinama?”
Ano naman kasi ang pake ko sa bibisitahin niya? Mukha ba ‘kong interesado sa kung sino man iyon? What if kabit niya pala iyon kaya sinama niya ‘ko? Ano to?
Meeting of the pretend girlfriend and the kabit?
“Because you’re my girlfriend?” he cautiously queried.
My face twisted. “Ano namang connect?”
“Wait…” his brows furrowed like he was thinking. “I thought that since you are my girlfriend you’ll come with me wherever I go especially when it is outside my work…”
Umawang ang labi ko. “Gago…” hindi makapaniwalang mura ko. “Saan mo yan nakuha?”
Tanga ba ‘to o ano? May ganoon pala?
Sa pagkakaalam ko nga ay madalas pa ngang itinatago ng magkarelasyon ang mga pinupuntahan o ginagawa nila pero bakit ang isang ito ay isinama pa ako?
Ganito ba talaga o ano?
