Chapter 27

0 0 0
                                    

“Mama ayaw ko pong sumama kay Louie.” Pagmamakaawa ko kay Mama na huwag nalang akong ipasama kay Louie.

I turned 17, and everything seems so heavy to grasp.

Just last week, my family as well as Louie's family announced my engagement to him.

Hinihintay lang na makapagtapos ako sa Senior High School at mag-eighteen bago ikasal.

Hindi ako nagmatigas. Hinayaan ko silang magdesisyon para sa akin dahil iyon naman palagi ang kanilang ginagawa sa aking buhay.

Kulang na nga lang ay sila nalang ako para lubusan na nilang masakop ang buhay na sila ang nagbigay.

Alam ko naman na ito.

When I reached my teenage years, they were vocal about this arranged marriage thing. They would literally remind me from time to time that I should be nice to Louie since he is the one I'll be marrying when I turn 18 and graduate from Senior High.

For I know that this is just for their own good.

They are using me as a tool so they can broaden their power and resources. Merging with the Rivera's means more power and resources.

Kaya kahit na alam kong sawang-sawa na si Mama sa akin ay hindi niya pa rin ako itinatakwil dahil napapakinabangan niya pa ako.

When I was a kid, I thought that once I reached this age, I would be able to escape from my mother's wrath, but I was so wrong.

Akala ko ay magbabago na ang pagtrato sa akin ni Mama dahil sa hindi na ako nag-oopen up sa kaniya ng mga bagay na gusto kong gawin. At hindi niya na rin ako naaabutan na ginagawa ko ang mga bagay na ayaw niyang gawin ko.

Pero nagkakamali pala ako. Lahat ng ginagawa ko ay hinahanapan niya ng pagkakamali para lang may rason siya na pagmalupitan ako.

Ang pinagkaiba nga lang ay hindi na niya ako madalas bigyan ng pasa o sugat. Sa isang linggo ay apat na araw nalang ako nagkakaroon at tago na ang mga iyon.

Kadalasan ay nasa tiyan at likod ko nalang iyon na ipinagpapasalamat ko dahil hindi ko na kailangang mag-isip ng dahilan sa tuwing nakikita ng iba ang aking mga pasa.

"It's just three days of vacation in Iloilo, Xyrene." said Papa.

Ipinagpapasalamat ko nalang talaga na hindi nananakit si Papa kagaya ni Mama. Pero hindi pa rin talaga siya mabait dahil kung si Mama ay pisikal ang pang-aabuso, si Papa naman ay emosyonal at sa mental.

"Pero Papa..." Nagmamakaawa kong tawag sa kaniya. "Binabastos po ako ni Louie..." I honestly whispered.

Sa tuwing nagkikita kami ni Louie ay hindi niya pinapalampas ang pagkakataon na iyon para bastusin ako. Madalas niya akong hinahalikan at hinihipuan sa publiko, pinipilit niya rin akong gawin ang mga bagay na hindi ko gusto...

He would often sexually harass me, especially in public places, lalo na kung kasama niya ang kaniyang mga tropa na tila nagmamayabang.

Madalas pa nga akong napagbibintangan na malandi sa aming paaralan dahil akala nila ay gusto ko at ako mismo ang tumutulak kay Louie na gawin ang mga nakakalaswang bagay na iyon.

I know what he wants from me and he wouldn't stop until he gets it.

It makes me feel anxious and really scared of the possible things he'll do to me once we get married kaya ngayon palang ay humihingi na ako ng tulong kay Mamie para hindi matuloy ang kasal na iyon.

Sarkastikong napahalakhak si Papa. "Binabastos?" Ulit niya sa aking sinabi. "Bobo ka ba o tanga, Xyrene?"

Napapikit ako nang mariin nang magsimula na naman siya.

Reward of ChaosWhere stories live. Discover now