“Happy birthday, baby!” I enthusiastically greeted Celeste as I handed her the small box where my gift was inside.
“Wow!” Her eyes lit up. “Can I open it po?”
I nodded while smiling.
She happily opened the box and found another rectangular box inside. With eagerness, she opened it, and her eyes brightened more when she saw what was inside.
She took out the Phoenix necklace from the box, and with a huge smile on her face, she hugged me tightly.
“Thank you po!” She genuinely and happily said. “I really love it po! It’s so pretty like you po!”
Hindi ko naman maiwasan ang matuwa ng dahil sa kaniyang sinabi.
She received so many gifts from her visitors, but the way she reacted, it appeared like it was her first time receiving one.
She’s really the kindest kid I’ve ever met.
It was just their close relatives who attended Celeste’s birthday.
Mga malalapit lang nila na pinsan at wala ngang kaedad si Celeste. Ang pinakabata sa kanila ay si Aiah na 15 years old pa lang. Pero kahit na ganoon ay parang hindi naman lumalayo ang edad ni Celeste sa lima pa nilang pinsan na kung mag-isip ay tinalo pa ang limang taong gulang.
“Huwag mo kasing ihagis sa malayo, Kuya Levy!” Naiinis na sabi ni Aiah habang pinupulot ang bolang sinadyang ihagis ng kaniyang pinsan sa malayo.
“Hindi ko naman hinahagis sa malayo!” Nangingising depensa naman ni Levy. “Sadyang hindi mo lang maabot!”
Lukot ang mukha ni Aiah nang bumalik siya sa pinaglalaruan nila dala ang pinulot niyang bola.
Nakahawak lang ako sa barandilya ng Seaside Pavilion nila Kairo kung saan ginanap ang birthday ni Celeste. Dito lang din iyon sa likod ng kanilang bahay kung saan ang private beach nila.
Hindi pa nakakabalik si Kairo dahil siya ang naghatid kay Celeste pabalik sa bahay nila dahil nakatulog na ito. Hapon na rin kasi.
Ang mga Tita at Tito nila ay nagpahinga na rin sa mansion kaya ako at ang limang pinsan na lang ni Kairo ang naririto sa Pavilion.
Napatingin ako kay Ate Aria nang tumabi ito sa akin.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mapigilan ang sariling mamangha sa kaniyang mukha.
Her upturned eyes highlighted her chartreuse pair of eyes. She also has morena skin which suited her bronze, wavy, and long hair that reaches her waist. May natural freckles din ito sa ilalim ng kaniyang mga mata at ang kaniyang ilong ay matangos na mas lalong nagpaganda sa kaniyang kabuoang mukha. Makapal din ang kilay nito at pilikmata kaya kung pwede lang ay hindi ko na lang tatanggalin ang mata ko sa kaniya.
Actually, lahat ng mga pinsan ni Kairo ay magaganda at gwapo. Apat silang lalaki kabilang na si Kairo at tatlo naman ang babae kabilang na rin si Celeste.
Si Ate Aria ang pinakamatanda at siya rin ang nakakatandang kapatid ni Aiah at Astro.
Seryoso akong hinarap ni Ate Aria kaya hindi ko maiwasan ang masindak sa malalim at madilim nitong mga mata.
“Can I ask you some personal questions?” She asked without smiling.
Isa iyon sa mga napansin ko.
Kung gaano ka ligalig ang ibang pinsan ni Kairo ay ganoon naman ka seryoso at kalamig si Ate Aria. Hindi siya masiyadong ngumingiti at kung ngumiti man ay hindi ito umaabot sa kaniyang mga mata.
Nakakatakot ang pagiging seryoso niya pero alam kong mabait ito dahil siya pa nga mismo ang palaging sumisiguradong hindi ko mararamdaman na naiiba ako sa kanila.
