Chapter 21

0 0 0
                                    

Bumalik sa normal ang lahat noong dumating ang Lunes. Ang mga kaklase kong nanggaling sa Cebu ay nakabalik na rin dala ang iba't ibang kwento.

Walang nagtanong sa akin kung bakit hindi ko tinapos ang tour. Imbes na ganoon pa nga ang itanong nila sa akin ay kinumusta pa nila ako.

Kay Hannih ko lang nalaman na ang sinabing rason ni Mamie sa aking mga professors ay may sakit ako at kailangan kong magpahinga sa Maynila.

Maging si Hannih ay hindi ako tinanong sa totoo kong pagkatao lalo at nakaharap niya rin si Mamie at alam kong ngayon ay may ideya na siya kung ano ang koneksiyon ko sa mga Claudio at Fortier.

"Hindi ako magtatanong." salubong niya kanina pagkapasok ko dahil alam kong nagsusumamo ang mukha ko.

Mabuti nga at hindi namin kasama si Harris dahil iba ang kaniyang kurso kaysa sa amin. Kung kasama namin iyon ay paniguradong marami iyong katanungan at baka kaladkarin pa ako noon sa harap ng mga Fortier para lang malaman ang totoo kong pagkatao.

Niyakap ako ni Hannih at ramdam ko ang pagsubok nito na pagaanin ang aking damdamin.

"Alam kong mabuti kang tao, Xyrene." malambing na aniya. "Hindi ako magtatanong dahil alam kong sasabihin mo naman kung komportable ka na."

Hindi ko maiwasan ang pag-iinit ng aking mga mata dahil sa kaniyang sinabi.

"Pero isa lang ang sigurado ako..."

Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi para matitigan niya ako sa aking mga mata. Ngumiti siya akin ng maliit bago nagpatuloy.

"Hindi magbabago ang pagtingin ko sa'yo." she said in conviction. "Kung ano man ang nangyari sa iyong nakaraan..." Bumuntong-hininga ito kaya umiwas ako ng tingin. "Nasisiguro kong ikaw ang biktima..."

We acted normal after that.

Hindi niya ipinaalam kay Harris ang kaniyang mga nalaman at hindi niya rin pinaalam dito ang pag-uwi ko nang maaga kaysa sa kanila.

Kilala namin si Harris—hindi ito titigil kung hindi nasasagot ang kaniyang mga katanungan.

"Kayo pa rin ba ni Kairo?" biglang tanong ni Harris habang kumakain kami ng tanghalian.

Ngumunguya akong tumango sa kaniya.

Harris breathed deeply like he was trying to calm himself.

Mula pa kanina ay parang naiinis na siya lalo na sa kung ano mang nakikita niya sa kaniyang cellphone. Magkasalubong pa ang kaniyang kilay habang tila nags-scroll at may binabasa doon.

Si Hannih naman ay tahimik lang na kumakain sa aking tabi—wala ring pakialam katulad ko.

"Tingnan mo 'to." naiiritang ani Harris at inabot sa akin ang kaniyang cellphone.

Tinanggap ko iyon at agad na tiningnan ang kaniyang kinaiinisan.

It was an article published online.

LOOK || BRIGHTEST STAR KAIRO GUANZON WAS CAUGHT DATING CELEBRITY SIENNA YANG

What the fuck?

Is that really her surname? Yang? Like for real?

Sienna Yang?

Mas malala pa pala iyong sa kaniya kaysa akin!

Pinilit ko ang sariling hindi matawa lalo at ramdam ko ang naiinis pa rin na tingin ni Harris.

Ewan ko ba kung sino o ano ang kinaiinisan niya.

Hindi ko rin maintindihan kung bakit ganoon ang headline ng isang article.

Reward of ChaosWhere stories live. Discover now