Chapter 31

1 0 0
                                    

How would you know if you made the right decision?

Were your decisions right if you didn’t hurt someone? But if you did? Could you consider that wrong?

Pero kailan ba magiging tama at magiging mali ang isang desisyon?

Kapag ba wala kang nasasaktan, tama ang naging desisyon mo? Paano naman kung wala ka ngang nasaktan pero nasaktan mo naman ang sarili mo, tama pa rin ba ang naging desisyon mo?

At kung mayroon kang nasaktan, magiging mali na ba iyon? Pero paano naman kung mas inuna mo ang sarili mo kaysa sa iba, mali bang desisyon iyon?

Pero ginawa ba talaga natin ang isang desisyon dahil sa gusto natin o dahil sa wala na rin naman tayong magagawa?

Did we really decide or were we just left with no choice?

Kasi ako, tinatanong ko pa rin ang sarili ko kung tama ba ang naging desisyon ko o ginawa ko lang iyon dahil wala na akong magagawa?

What I did hurt me as much as I hurt Kairo.

Kairo was not the only one who is in pain right now… I am too, but I know that unlike him, I could justify or validate my feelings.

Ako iyong nagdesisyon, kaya wala akong karapatang masaktan dahil ako ang nanakit ng iba.

Kahit gustuhin ko mang hayaan ang sarili kong masaktan ang damdamin dahil sa nangyari ay hindi ko iyon magagawa dahil mas lumalamang ang galit ko para sa aking sarili.

How dare I cry and act like I was the victim when I am the one who caused pain here?

Sa aming dalawa ni Kairo, ako ang mas may walang karapatang masaktan.

Pero hindi ko maiwasan. Hindi ko mapipilit ang sarili ko na tumayo mula sa pagkakasalampak sa malamig na sahig ng parking lot at itigil ang masasakit kong hikbi, punasan ang walang tigil na pagpatak ng mga luha ko, at magpanggap na tila walang nangyari.

Nakasandal lang ako sa sasakyan ng kung sino habang yakap ko ang aking mga tuhod. Nanginginig ang aking mga balikat sa sobrang paghikbi at humahapdi na rin ang aking mga mata sa kakaiyak.

Gusto kong saktan ang sarili ko dahil matapos ang ginawa kong pananakit sa taong walang ginawa kundi ang mahalin ako, ay may gana pa akong umiyak-iyak na parang hindi ako ang dahilan kung bakit kami nasasaktan ngayon.

I badly wanted to hurt myself. I want to slap her, to pull her hair until it separates from her scalp. I want to take her life.

She doesn’t deserve to live at all.

I don’t deserve to live in this world…

I just want to live, but why do I have to experience pain this much?

Hindi pa ba sapat ang mga pinagdaanan ko noong bata ako na kailangan ko pang dalhin hanggang sa pagtanda ko?

They say the past should be left behind, but how can I when my past is the one who’s running after me?

Do I really not deserve to live peacefully?

If that’s so, can I just die right now without committing a sin?

Can I abandon this world and leave the pain behind?

Can I die now?

“Your mom is right… You’re still here…”

Napaangat ang pagod kong mukha sa taong nagsalita.

Agad kong pinunasan ang mga magulang luha at pagod itong tiningnan.

Wala na akong maramdaman… Nag-uumpisa nang mamanhid ang aking sarili at ang gusto ko nalang ngayon ay makapagpahinga pero parang ayaw pa akong pagbigyan ng mundo.

Reward of ChaosWhere stories live. Discover now