"Ilang taon na po kayong nagtatrabaho kay Kairo, Ate?" tanong ko kay Ate Jazy habang ngumunguya ng pizza.
Pagdating namin sa studio ni Kairo ay kaagad siyang pumasok sa isang kwarto na nasa loob kasama si Casey at ang isang lalaki na sa tingin ko ay music director.
Ako naman ay naiwan kasama ang kaniyang PA na si Ate Jazy. Mabuti nga at mabait siya, hindi katulad ni Casey na halos tusukin na ako sa talim ng kaniyang tingin nang makitang magkasama kami ni Kairo sa pagpasok.
Halos dalawang oras na rin simula noong pumasok sina Kairo sa kwarto na sa tingin ko ay parang opisina nila.
Parang condo niya rin ang studio na ito pero mas maliit nga lang. Kita nga mula sa inuupuan namin na mukhang sala kung maihahalintulad sa isang condo ang recording room ni Kairo kung saan kompleto sa mga gamit. Glass wall iyon kaya naman kitang-kita ang loob.
Nag-isip naman si Ate Jazy at nagbilang gamit ang kaniyang mga daliri.
"6 years na."
Umawang ang labi ko. "Matagal na pala..."
Tumango-tango si Ate Jazy. "Oo, kaya kilalang-kilala ko na ang batang yan."
Sa tagal naming nagkasama ni Ate Jazy ay nalaman kong 35 na siya habang si Casey naman ay 30 pa lang. May anak na rin si Ate Jazy at may sariling pamilya pero hindi niya naisip na iwanan ang trabaho niya kay Kairo dahil bukod sa maganda ang bayad sa kaniya ay napamahal na rin siya sa lalaki.
Pero not in a romantic way!
"Talaga po?"
She nodded as she met my eyes. "Oo, pero ngayon pa lang siya nagkaroon ng girlfriend."
I pursed my lips as I stuff the pizza I was holding to my mouth.
Naku, kung alam mo lang ate.
Laro-laro lang tong amin. In-game sa larong jowa-jowaan.
"Hindi nga ako makapaniwala noong sinabi ni Casey na tinanggihan ni Kairo ang itambal siya kay Sienna dahil may girlfriend na siya." Pagkukuwento pa nito.
"Marami na po bang shiniship sa kaniya?"
Magkasalubong ang kilay nang mapatingin sa akin si Ate Jazy. "Oo, hindi mo ba yon alam?"
I shook my head. "Hindi po kasi ako nanonood ng TV at hindi rin nagagawi sa social media."
She nodded understandingly with a meaningful smile on her lips. "So, hindi ka pala niya fan?"
"Hindi ko nga po siya kilala noong una eh." natatawa kong sagot.
"Totoo?"
I nodded. "Opo... Madalas ay naririnig ko ang pangalan niya sa mga kaklase ko pero kahit minsan ay hindi ko sinubukang tingnan ang itsura niya kaya ayon hindi ko siya nakilala..."
"Woahh... That's unusual..." namamanghang saad ni Ate Jazy.
"Eh? Bakit po?"
"People your age are all flocking over Kairo... Lalo na iyong mga teenager kaya noong sinabi mong hindi mo siya kilala... Ohhh girl you got some fire..." Aniya at natawa ng malakas.
Natawa rin ako dahil nakakahawa ang kaniyang tawa.
"Ganoon po talaga siguro kapag magaganda, 'te..." sabi ko kaya mas lalo siyang natawa.
Nag-high five pa kaming dalawa ngunit pareho kaming natigil sa pagtawa at napalingon sa pinto nang bigla itong bumukas.
Naningkit ang mga mata ko nang makita ang babaeng mukhang naiirita.
