Chapter 5

2 0 0
                                        

“Saan mo ko dadalhin?”

Prenteng nagmamaneho ang lalaki papunta sa hindi ko alam na lugar. Simpleng puting t-shirt at ripped navy blue jeans lang ang suot niya, pero kahit na ganoon ay para pa rin siyang modelong nanggaling sa isang sikat na magazine.

“Coffee shop.” Simpleng sagot niya—nakapokus sa kalsada.

“Gago ka ba?” gulantang kong tanong. “Papalabas na tayo ng EDSA!”

Kanina pa namin binabaybay ang kahabaan ng EDSA at alam kong malapit na kaming makalabas sa Manila.

“Mukha mo oh!” namamanghang turo ko sa malaking billboard.

Nakangiti siya doon habang may hawak na sunscreen ng isang sikat na skincare brand. Naka-sando lang siya doon kaya litaw ang inaalagaan niyang biceps. Hindi ko nga lang natagalan ang pagtingin dahil pinaharurot niya na ang sasakyan palampas doon.

“Ano ba yan?” reklamo ko nang malampasan namin iyon. “Tinitingnan ko pa nga eh!”

I heard his scowl. “I’m just here beside you, you could stare at my face right where you are sitting.” Mahanging aniya.

I pouted. “Hindi ka naman pogi sa personal—ahhh!”

Muntikan nang humiwalay ang ulo ko sa aking katawan nang bigla niyang ipreno ang kaniyang sasakyan sa gilid ng kalsada. Mabuti lang at suot ko ang seatbelt tsaka nasalo niya ang mukha kong muntikan nang humampas sa windshield.

“Balak mo ba akong patayin nang maaga?” nanggigil kong tanong sa lalaking mukhang nagulat din.

He blinked his eyes few times as he timidly shook his head. “I was just shocked.”

“Shock your face!” nakairap kong sabi.

“You told me I am not pogi in person!”

Natitimang akong napatingin sa kaniya. Mukha itong frustrated na hindi ko malaman.

“Totoo naman.” Inosenteng sagot ko.

“What?” he asked in disbelief.

He even looked like he was offended by what I said.

Kasi sino ba namang hindi ma-ooffend kung sa tanang buhay mo ay ramdam mo sa sarili mong gwapo ka tapos sasabihan ka lang ng isang paslit na kakakilala mo lang na hindi ka pogi sa personal?

“You must be joking.” Hindi makapaniwalang usal niya.

Kagat ko ang aking pang-ibabang labi para pigilan ang kumakawalang ngiti.

“Totoo nga!” pamimilit ko kaya sinamaan niya ako ng tingin. “Hindi ka pogi sa personal kasi sobrang pogi mong hayop ka!” bawi ko at sinundot-sundot ang kaniyang tagiliran.

Nakita ko kung paano namula ang kaniyang maputing pisngi. Umiwas pa ito ng tingin at nahihiyang kinamot ang kaniyang kilay. Sinusubukan niya pang hulihin ang mga daliri kong sinusundot-sundot ang kaniyang tagiliran.

Napahalakhak ako sa kaniyang naging reaksiyon kaya naman tinapunan niya na naman ako ng matalim na tingin habang namumula pa rin ang kaniyang mukha. Umabot na nga rin ito sa kaniyang tainga kaya naman sobra akong natatawa.

Tangina! May tinatagong cuteness ang hinayupak.

“Kinikilig ka na niyan?” natatawa kong tudyo at tinusok ang kaniyang nag-iinit na pisngi.

Hinagis niya sa aking mukha ang handkerchief niya na nasa kaniyang hita kanina pa. “I am not!”

Sumakto sa mukha ko ang panyo na hinagis niya kaya nalanghap ko ang pamilyar niyang pabango. Natatawa ko naman iyong inalis sa aking mukha at binato pabalik sa kaniya na kaagad niyang nasalo.

Reward of ChaosWhere stories live. Discover now