Peace could simply be felt in a very simple and unnoticeable way you could ever have.
Iyong tipong kahit nakaupo ka lang, nagmamasid sa kaulapan, pinapanood ang mga lumilipad na ibon ay mararamdaman mo iyon.
Peace is when you feel like your heart is at ease.
It could be simply lying down on a bed with someone who makes you feel happy, comfortable, and content.
Peace is what I am feeling right now while hugging Kairo comfortably as he lets me rest on his defined arms.
Ayaw niya pa nga kanina na tumabi ako sa kaniya dahil baka raw kung ano ang gagawin ko.
"Promise behave lang ako!"
Iyon lang ang sinabi ko at nagpuppy eyes lang kaya naman dito na ako ngayon sa tabi niya, nakayap at dinadama ang init ng kaniyang katawan.
"Do you have something to do tomorrow?" He asked while gently combing my short hair.
Papikit-pikit na ako nang itanong niya iyon.
Tumingala ako mula sa pagkakasiksik sa kaniyang katawan at sinalubong ang kaniyang malamlam na mga mata.
"Wala naman, bakit?"
Sabado bukas at wala akong trabaho kaya naman talagang wala akong gagawin.
Nakapag-ayos na rin ako ng mga gamit na dadalhin ko para sa local trip namin na mangyayari na sa Martes. Wala na akong nararamdaman na takot dahil sa sinabi sa akin ni Mamie.
"Sama ka sa akin?" Nakangiting tanong niya.
"Where?"
Mahina niyang pinisil ang aking ilong at natawa nang mapangiwi ako.
"Studio..." Simpleng aniya. "I'm just gonna finalize my bonus track and we'll have a date after."
"Date?" Nanlalaki ang mga mata kong tanong.
Hindi ko man naranasan ang teenage love ay parang alam ko na ang mga posibleng naramdaman ko kung naranasan ko iyon dahil sa mga pinanggagawa ni Kairo.
He chuckled as he planted a soft kiss on my nose.
"That sounds childish but yeah, we can do it after."
Napanguso ako nang may maalala. "Eh uuwi pa ako bukas? I didn't bring clothes suitable for a date!"
"What? You have a lot of clothes in your room here." Giit niya.
"Eh?" My room raw?
"Nagtatampo nga ako at hindi mo sinusuot iyong mga binili ko." Siya naman ang ngumuso ngayon kaya mahina akong natawa.
"Bakit naman kasi ang mamahal noon?" Reklamo ko. "Allergic ako sa mga branded at mamahalin."
"Really?" Namamanghang tanong nito at biglang napaisip. "If you're allergic, then paano natin mauubos ang pera natin?"
"Huh?" Litong-lito kong tanong. "Kailan pa tayo nagkaroon ng pera natin?" I emphasized the last word.
Sinamaan niya ako ng tingin na para bang bobong-bobo siya sa akin.
"Of course, I'm working so we both could have our money!" Giit niya. "What I own is what you own too."
Umawang ang labi ko — hindi malaman kung ano ang magiging reaksiyon.
"Gago..." Hindi makapaniwalang singhap ko at lumayo pa sa kaniya ng bahagya. "Adik ka ba?"
Inilapit niya akong muli sa kaniya. "Adik sa'yo... Awit sa akin..." He sang but ended up bursting into laughter kaya natawa rin ako. "I'm really not into Tagalog songs." Naiiling niyang sabi.
