“We won’t have a class today.” Salubong ng aming guro nang pumasok ito sa kwarto.
Agad na nagsipulan ang aking mga kaklase sa sinabi ng ginang.
“I’m just here to inform you of the major changes for our upcoming local tour, which will be three days from now.” aniya kaya tinutok namin ang aming atensiyon sa kaniya.
Isa sa mga magastos pero masayang bahagi ng pagiging BSTM student ay iyong mga tours na ginagawa namin as a requirement sa mga major subjects ng tourism management.
Naglocal tour din kami noong second year. Pinuntahan namin ang iba’t ibang tourist attraction spots at cultural landmarks ng Davao. Ngayon ay sa Iloilo naman kami pupunta. Tatlong araw lang naman kami doon at maglilibot lang sa tinaguriang City of Love ng Pilipinas.
“As all you know, we will go and travel to Iloilo for 3 days…” panimula ng aming guro. “However, due to some unexpected inconvenience, we have decided to travel to another local city instead of Iloilo.”
Halo ang reaksiyon ng aking mga kaklase. Mayroong na-excite sa kung saan kami pupunta at meron din namang hindi iyon nagustuhan dahil may plano na raw sila sa kung ano ang mga susubukan nila pagdating sa Iloilo.
Ako naman ay walang reaksiyon dahil kahit saan lang naman basta makapag-comply lang ako sa requirement na ito. Walang kaso sa akin kahit dalhin pa nila kami sa Sulo.
Or so I thought.
Our teacher smiled. “So class, I want you to revise your itinerary and prepare for our trip, three days from now going to the Queen City of the South, Cebu!”
Para akong nabingi at naramdaman ko ang pagtigil ng aking mundo nang marinig ang lugar na iyon kung saan kami maglo-local travel.
Cebu?
I didn’t mention that I am okay with other local cities or provinces in the Philippines but not that place.
“Okay ka lang?” tanong sa akin ni Hannih nang makalabas na ang aming guro. “Namumutla ka.”
Napakurap-kurap ako at kaagad na nag-iwas ng tingin.
I don’t want to go back to that place.
“Punta muna ako kay Ma’am, Hannih,” paalam ko sa kaniya na mukhang nag-aalala para sa akin.
Hindi ko na siya hinintay na makasagot at agad nang naglakad papunta sa faculty room para hanapin ang guro.
Mabuti at doon nga talaga siya. Agad niya akong binati nang makitang umupo ako sa upuang nasa harapan ng kaniyang lamesa.
She adjusted her reading glasses to see me clearly.
“What brought you here, Xyrene?” mahinahong tanong niya.
Ma’am Hizzle is one of the kindest professors we have kaya hindi ako takot na lumapit sa kaniya.
“About the tour, ma’am…” I trailed off feeling uneasy. “Pwede pong hindi sumama?”
I know that what I want is impossible but there’s nothing wrong in trying, so I did try my luck.
She leaned back in her chair. “You know that it is impossible, right?”
I nodded. “I can do alternatives naman po to fulfill my requirements in exchange for not joining the tour.”
“What’s your reason, Xyrene?” kuryuso niyang tanong. “I know that it is not about the money because you’ve paid all the necessary expenses for the trip.”
That’s true. Napaghandaan ko naman na iyon kaya hindi ako nahirapang magbayad nang maaga.
But that’s not the reason at all.
