CHAPTER 36
“What happened to you?” Jannah coldly asked as she saw us approaching her.
Kaagad kong ibinaba si Angeline nang malapit na kami sa naghihintay na van. Susunod na sana ako sa pagpasok ni Angeline sa loob pero kaagad akong hinarangan ni Jannah na may madilim na tingin.
“Anong nangyari, Xyrene?” Malamig nitong ulit sa naunang tanong. “Bakit namumugto ang mga mata mo?”
Mukhang hindi sapat ang concealer na ginamit ko kanina para matakpan ang namumugto kong mga mata.
I timidly shook my head to answer her question. “Let’s go now. We’re running late.” I dismissively stated.
But Jannah being herself, won’t let me pass by easily. “So, you’ve heard about the news huh?” she sarcastically pointed out.
Napapikit ako nang mariin.
Of course Jannah knew all of it…
“It doesn’t matter—”
“As it should, Xyrene!” Mariing aniya. “Six years have passed Xyrene and you’re expecting him to still be whipped and heads over heels with you after leaving him?”
I threw him a sharp look. “I left because I don’t have a choice!”
“Whether you have a choice or none, you still left him! So stop acting as if you’re the victim here when if fact you’re the one who inflicted pain on him!”
Natahimik ako sa kaniyang sinabi. Ramdam ko ang mumunting kirot na nagsisimulang kumalat sa aking puso.
Akala ko ay tapos na si Jannah pero balak ata niyang mas gisingin paako sa masakit na reyalidad.
“Huwag mong ikulong ang taong walang ginawa bukod sa mahalin ka…” Aniya at iniwan ako sa labas.
Alam ko naman eh…
The moment I broke his heart was the moment I lose him.
Iniwan ko siya kaya malaki ang posibilidad na walana akong babalikan.
Fool me for assuming that I could also experience those happy endings that I read in novels.
Iyong tipong kahit ilang pagsubok man ang inyong pagdaraanan ay kayo pa rin ang itinadha sa huli. Na kahit ilang taon man ang lumipas simula noong naghiwalay kayo ay sa bisig pa rin ng isa’t isa kayo mapupunta.
How I wish life could be novels too.
I just hope that everyone of us could have the happy endings we all deserve.
"Oh my god! Xyrene!" ang matinis na boses ni Harris ang kaagad na sumalubong sa aking nang makapasok ako sa studio kung saan gaganapin ang pictorial para sa new release ng kaniyang clothing line.
Napangiti kaagad ako nag yakapin niya ako. Madalas din naman kaming magkita dahil madalas siyang pumupuntang France para sa crowd-sourcing ng mga trends sa bansang iyon na kinukuhanan niya ng idea para sa mga bagong designs na kaniyang ilalabas.
"Where's Angeline?" tanong niya habang hinahanap ng kaniyang mga mata ang aking anak.
"Iniwan ko kay Jannah para makapagpamasyal."
In-door lang naman ang photoshoot na gagawin namin ngayon kaya hindi ko na kakailanganin si Jannah. Nandito naman si Harris para tulungan ako kung kailangan ko talaga. Sigurado kasi akong mabuburyo lang si Angeline kung hihintayin niya pang matapos ang aking photoshoot kaya mas mabuti na iyong makalibot-libot siya kahit sa malalapit na lugar an lang.
"Can we start now?" tanong ko kay Harris nang makapagbihis na ako.
Suot ko na ang damit para sa first layout na gagawin namin at nalagyan na rin ako ng kaunting makeup. Pati ang mid-length kong buhok ay maayos na ring naka-high bun pero parang wala pa ring gana ang mga crew na simulan ang pictorial. Nagmamadali pa naman ako kaya hindi ko na napigilan ang isaboses ang hinaing ko.
Nilaitan ako ni Harris at umupo couch, katabi ko.
"Let's wait for your the other models, hmmm...?" malambing niyang ani at sinuklay-suklay pa ang aking buhok.
Nagsalubong ang aking kilay. "May kasama ako?"
I wasn't informed by this one...
Nakangiting tumango-tango si Harris. "Yup!" He popped. "One girl and two boys."
Prente akong sumandal sa inuupuan ko dahil sa inis na unti-unting sumisibol. "Were they professional models or are rookie?" I couldn't help but be sarcastic.
"What?" Medyo offended na ani Harris. "Of course they are professional models from a big network company, Xy!"
I rolled my eyes as I crossed my arms on my chest. "Professional huh?" I prompt. "Too professional to even waste time?"
Ang pinaka-ayaw ko sa mga nakakatrabaho ko ay iyong mga taong hindi marunong rumespeto sa oras ng iba.
