Chapter 2

0 0 0
                                    

Napadaing ako sa sinag ng araw na tumatama sa mga mata ko na nanggagaling sa bintana ng kwarto.

Bintana? Walang bintana ang kwarto ko!

Agad akong napabalikwas sa pagkakahiga na agaran ko din namang pinagsisihan dahil pumitik sa sakit ang aking sintido. Pupungas-pungas akong napasandal sa headboard ng aking kinahihigaan.

My eyes widened in realization.

Wala ding headboard ang kama ko!

Nasaan ako?

Kwartong gawa sa semento, pinaghalong kayumanggi at puti ang kulay noon. Sobrang lambot din ng malaking kama, malayo sa kinahihigaan ko sa apartment namin. Tapos mayroon ding glass window kung saan nanggagaling ang sinag ng araw na tumatama sa aking mukha.

Malinis ang kwartong ito at ang laki ay pinaghalong sala at kusina ng aming apartment.

Suminghot-singhot ako para amuyin kung pamilyar ba ang amoy ng kwartong kinalalagyan ko pero lalo lamang akong kinabahan nang ang maamoy ko ay ang preskong air-freshener na binubuga ng aircon.

Oo naka-aircon ang kwarto kaya kahit pala balot na balot ako kanina sa makapal na kumot ay hindi ko ramdam ang init!

Tangina…

Hindi ito condo ni Harris o ni Hannih.

Napahilot ako sa aking sintido nang sumakit ito sa pagpipilit kong maalala ang nangyari kagabi. Pinakiramdaman ko pa ang ibabang bahagi ng aking katawan at napahinga naman ako ng maluwag nang wala akong maramdamang sakit.

Mabuti naman at hindi ko pa naisuko ang watawat ng pagkabirhen ko.

Napangiwi pa ako nang makitang ang damit ko pa rin kagabi ang suot ko. Mabuti nalang at mukhang may manners naman ang nagtanan sa akin dahil wala na akong makeup.

Imbes na tumunganga at pilit na alalahanin ang nangyari na hindi ko naman maalala ay napagdesisyunan kong umalis na sa higaan.

Nararamdaman ko na ang panlalagkit ng aking katawan kaya hinalughog ko ang buong kwarto para maghanap ng mapapakinabangan. May nakita akong magkaharap na pinto kaya binuksan ko ito, cr ang una kong nabuksan kaya sinunod ko naman ang kaharap nito.

Napanganga ako nang makita ang kabuoan noon. May malaking salamin sa harapan tapos napapalibutan ang silid ng mga cabinet na wala pang laman. Cream furry carpet ang sahig nito kaya mas lalo akong napanganga.

Nice choice, Xyrene.

Mukhang mayaman ang nabingwit mo kagabi.

Nahahabag mang pumasok ay wala na akong nagawa nang magdesisyon ang mga paa kong maglakad patungo sa isang cabinet.

Hinalughog ko ang loob noon at halos wala iyong laman. Sa pang-apat na cabinet ay may nakita akong mga white t-shirt kaya kinuha ko ang isa at isinukat.

Hanggang itaas ng tuhod ko ang haba noon at medyo malaki para sa akin pero pwede na. May price tag pa iyon ng isang sikat at mamahaling brand ng damit kaya nasisigurado kong bago ang damit. Amoy mall din naman kaya okay na.

Sinunod ko naman ang maliliit na drawer para sa underwear. Mukhang lalaki ang may-ari ng kwartong ito kaya hindi na ako umaasang may panty at bra akong makikita.

Pwera lang kung may naiwang undies ang mga dinadala niya dito…

Pero ayaw ko namang magsuot ng undies ng iba. Bukod sa unhygienic ay baka mailipat pa sa akin ang baho ng kanilang mga private parts.

Mahirap na magkaamoy si baby twinkle… Siya nalang nga ang kayamanan ko.

I beamed when I saw a boxer shorts. Inamoy-amoy ko pa iyon para siguraduhing bago at hindi naman ako nabigo nang maamoy ang pamilyar na bango ng mamahaling mall. May price tag din iyon at nanlaki ang mata ko nang makitang halos anim na libo ang presyo noon.

Reward of ChaosWhere stories live. Discover now