1

245 5 0
                                    

"Ang tagal mo naman teh!" sigaw ni Jaizen sa labas ng banyo habang hinihintay ang kaibigan na si Sakura.

Sa ingay ng tugtugan doon sa bar, hindi na siya halos marinig nito. Nakahilera ang mga babaeng naghihintay na bumukas ang pinto. Paglabas niya, kulang na lang ay pumalakpak si Jaizen.

"Shuta ka, kapag talaga nasa mood kang manlandi, gumaganda ka lalo!" he said, chuckling. He flipped his imaginary short hair, mirroring what Sakura did with her long, silky smooth hair.

"Ayos ba?" tanong niya sa best friend. "Ngayon na lang ako ulit nag red lips."

Imbis na tumango si Jaizen, pabiro na lamang itong tumahol.

"What the hell is wrong with you two?" A judging deep voice caught their attention, cutting the barks off.

"Oh! You made it!" Sakura waved her pouch at him grinning from ear to ear. Jaizen on the other hand rolled his eyes and ignored him.

Natawa si Sakura sa inaasta ng kaibign. "Teh, 'wag ka na pa-cute," she teased and pushed him a little.

She giggled as Kenji, her other friend wrapped his arm around Jaizen, softly squeezing his shoulder.

"Nahuli lang nang kaunti eh," malambing na bulong ni Kenji. "Ito naman, parang kinalimutan."

"Heh, tampo ako," pagtataray ni Jaizen.

"Beb," Kenji kissed his cheek. "Ang hot ng pa-fishnets mo."

"Kadiri!" Tinakpan ni Sakura ang mga tenga habang pakunwari pang naduduwal.

Halos dalawang taon na siyang napupurga sa kalandian ng dalawa, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nasasanay sa mga ito.

"Babawi naman ako sayo mamaya, beb," sabi ulit ni Kenji.

Napatili nalang si Sakura na may halong kilig at pang aasar nang mapansin niya ang pamumula ni Jaizen.

"Puwede ba, kung lalandi lang din naman kayo, 'wag niyo na lang akong isama!"

"Ano ka ba, gaga!" sigaw ni Jaizen habang itinutulak pa siya nang bahagya. "Para saan pa at nag mini dress kang putok na putok sa pula?"

"Hoy! Sabi mo sa akin kanina maganda!" angal ni Sakura habang inaayos ang tube top niya na unti-unting bumababa. Kaunting maling desisyon na lamang niya sa buhay at lalabas na ang lahat ng puwedeng lumabas, maging lamang loob niya at kaluluwa.

"Maganda naman talaga," Jaizen commented. "Ang sexy mo kaya d'yan, malakas kang maka-model. Kung minsan maganda rin na ilabas 'yang makinis mong legs."

"Ikaw talaga, tuturuan mo pa ng mga gan'yan itong si Cherry," tawag sa kan'ya ng kaibigan sa kan'yang nickname.

"Beb, single naman na siya, alangan namang itago pa niya ang assets niya!" Jairo winked at her. Kung minsan kasi, sa barkada, si Kenji ang tila ba tatay niya habang mother figure naman itong si Jairo.

"Okay lang naman, medyo maginaw lang ng konti."

"Kapag nalasing ka na, iinit din."

"Do you want to wear my jacket?" tanong ni Kenji.

Inirapan siya nang sabay nina Jaizen at Sakura.

"Naka varsity jacket ka pa," pambabara ni Jaizen. "Paano siya lalapitan n'yan kung akala nila may jowa siya?"

"'Di ba mas okay nga 'yon? At least walang kolokoy na lalapit sa kan'ya."

Sakura sighed, "Para saan pa at nag stilettos ako, Kenji? Ikaw talaga."

"Ohhh!" Kenji nodded like he just realized. "Nice, you're finally down to date again!"

"Nothing too serious," Sakura said. "I just want to have fun, kahit na ngayon na lang."

Professor Zyon (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon