6

73 5 0
                                    

Abala si Zyon na nagluluto ng scrambled eggs sa kusina. On the island, he had a cup of coffee, a cup of milk, cashew milk, sugar, a plate of warm pandesal and hotdogs. Mabilis siyang kumilos, iniisip na baka gutom na ang bisita niya dahil alas siete na rin. Napapailing pa siya kasi naubusan siya ng malamig na kanin. Kung hindi sana ay nakapagluto pa siya ng sinangag.

Nang hahanguin na niya ang itlog ay narinig niya ang mahihinang yabag na nagmula sa kuwarto niya. Maya-maya pa ay napangiti na lang siya dahil nasilayan niya na ang magandang dalaga na naglalakad papalapit.

Zyon saw how his sweater turned into a little dress for her. It almost reached her knees.

How cute. He thought to himself.

"Anong niluto mo?"

"Eggs lang," sagot ng lalaki. Hindi niya sinasadya at kusang humaba ang kamay niya para ipalupot sa bewang ng dalaga.

"I used your soap," she mumbled. "Sorry, makati na mukha ko eh."

"Hmm? That's not a problem," he assured her. "I ordered toiletries, malapit na rin dumating."

"Ha?"

"I realized that I don't even have an extra tooth brush, so I ordered one for you."

"Ahh!" hindi makapaniwalang tumatango si Sakura. Tumambad sa kan'ya ang mga inihanda nito. "Ang dami naman,huy. Kahit simpleng kape lang."

"Hindi ko pa kasi alam kung ano ang gusto mo," sagot ng lalaki. "How do you like your coffee?"

Sakura gulped. Paano niya ba naman kasi sasagutin ang tanong na 'yon? Nakadisplay lang naman ang mamahalin nitong set up ng drip coffee.

"Kahit paano lang," palusot nito, kahit na 3in1 naman talaga ang tinutungga niya sa araw-araw.

"How much sugar?"

"Isang kutsara."

"Isang buo?"

"Oo, ibundok mo sa spoon."

"That's a lot, babe," natatawang sita ni Zyon.

Hindi nakasabay sa kan'ya si Sakura na lumipad na ang isipan dahil sa kilig. Simpleng tawag lang sa kan'ya nang ganoon, parang inasinan na naman siya.

Wala silang relasyon. Wala silang matibay na koneksyon. Pero hindi mapigilan ni Sakura na umasa. Baka puwede pa nilang dalhin sa exciting part ang kuwentong ito, hindi lang niya alam kung paano.

"Milk din ba?"

"Uhm," tango ni Sakura haban iniiwasan itong tignan.

"Regular milk ba? I have cashew, and soy sa fridge, which do you prefer?"

Sakura smiled. Magkaiba talaga sila ng mundong ginagalawan. Doon kasi sa banda niya, ref 'yon, hindi fridge. At ang option lang ng gatas ay kung powdered o whole, puwede rin evap o condense.

"Regular lang," she responded. Sakura slowly moved away from him when he let her free to make her coffee.

She roamed around the kitchen. Hindi kasi niya ito masyadong napagmasdan kagabi kahit na halos kaharap lang nito ang living room.

Kumpleto ang bawat cabinet ni Zyon ng mga condiments. Maraming bote na nakikita lang niya sa mga cooking show. The island and the chairs, even the rags that were hanging by the sink, unti-unti niyang nakikita kung gaano sila kalayo.

Baka may future? Sino ba ang niloko ko? Halata naman na mayaman siya. Puna nito sa sarili.

Wala ako sa level niya. Mukhang kailangan ko na nga talagang enjoy-in 'tong moment na 'to. Nangangamoy 'di masusundan.

"Sakura?"

"Ay, sorry, ano 'yon?"

"Come on, let's eat!"

Habang kumakain, napapansin ni Sakura na panay lingon ni Zyon sa kan'ya. She thought that he might be checking to see if she liked the food. Pero kahit na halata naman base sa lamon niya, pinapanood pa rin siya nito.

Nang lumingon siya para diretsong tignan ang lalaki, nahihiyang napangiti ito nang mahuli siya.

"Sorry," he chuckled. "I just find you too cute."

Hindi inaasahan ni Sakura ang narinig, napayuko tuloy ito sa hiya.

"Heh," suway niya. "Akala ko naman kung ano."

"Oo nga pala, wala akong pork sa fridge," Zyon casually said. "Puwede ba sinigang na beef?"

"Kung beef, mas masarap 'yon sa nilaga, 'di ba?"

"Wala siyang buto-buto eh."

"Anong cut ba?"

"Uh, wait, I forgot what it's called" tumayo si Zyon para magpunta sa ref. Nanlaki ang mga mata ni Sakura nang ilabas nito ang apat na piraso ng vacuum sealed steak. Nakakarinig na siya ng mga barya na nahuhulog sa simento habang iniisip ang presyo ng mga ito.

"Filet mignon, tsaka New York strip–oh, dalawang rib eye."

Maya-maya ay natawa si Sakura. Hindi niya kinaya ang seryosong tingin ni Zyon sa kan'ya, lalo pa nang nagtataka itong naglakad papalapit sa dalaga.

"Why?" he worriedly asked.

"Magluluto ka ng sinigang tapos balak mong ilagay, steak?" she asked.

"It wont work huh?"

"Jusko, Zyon," sa sobrang halakhak niya, muntikan pa siyang maglaglag dahil automatic na siyang napapaliyad. Mabuti nalang at mabilis na tumayo si Zyon sa likuran niya para maging sandalan ng upuan niya. "Hay, hindi ako makapaniwala."

"Bakit? I don't get it."

"Kahit ano na lang ang lutuin mo, hayaan mo na 'yong sinigang."

"But it's your favorite. I want to cook it for you."

Sakura's face lit up. Siguro naman hindi masyadong kalabisan na magmaganda muna siya ngayon.

Tumingala siya para matitigan ang mukha ng lalaki.

"Hmm," she nodded. "Parang gusto ko nga ng sinigang. Sige, ipagluto mo ako ha?"

Zyon smiled, "No problem," he said, tucking her hair behind her ear. "So which cut should I use?"

"May malapit ba na paleng—supermarket,tama, may malapit ba na supermarket dito?"

Umaliwalas ang mukha ni Zyon na tila ba naiintindihan ang gustong ipahiwatig ng dalaga.

"Should we go later?"

"Yup!" she joyfully replied. "Pahiram nga lang muna ng damit mo."

Zyon slightly pinched her cheek, "No problem, cutie."

Natapos ang almusal nilang dalawa na masaya pang pinaplano ang magiging araw nila. Hindi alam ni Sakura kung paano nangyari 'yon, pero mukhang gagabihin na siya ng uwi mamaya dahil balak pa nilang mag movie marathon.

They even got to plan what they'll be cooking for dinner. Sakura wanted to cook for him in return and he agreed.

Holding the paper bag filled with toothbrush, shampoo and conditioner, even soap, napangiti si Sakura. May bagong bili pa na underwear. Talagang alagang-ala ito.

Maliligo na dapat siya, pero napatigil siya pagkatapos makita ang hubong katawan sa harapan ng salamin.

"Kaya naman pala ang sakit ng katawan mo," bulong niya habang iniilingan ang sariling repleksyon.

Her body was peppered with so many marks that she received from that night. Mabuti nalang at hindi sila masyadong mapapansin at maitatago pa ng damit.

Thinking about last night made her feel some type of way. Habang hinahaplos ang mga marka sa kan'yang dibdib, hindi niya maiwasang isipin... huli na ba 'yon?

Professor Zyon (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon