13

29 5 0
                                    

"Bakit hindi ka sumabay sa amin ni Ken? Magkakasabay naman tayo ng pasok ah?"

Sakura faked a smile, "Wala," she replied. "Maaga lang talaga akong nagising kaya napaaga akong pumasok."

"Huh?" Umupo si Jaizen sa tabi niya. "Seryoso ba? Second day pa lang ng klase, introduction pa halos sa bawat subject tapos ang sipag mo na agad."

"Nagbagong buhay na kasi ako," she joked. "Aayusin ko na talaga ang life ko, gosh."

Bakas sa mukha ni Jaizen ang pag-aalala sa kaibigan ngunit pinili nito na hindi na lang magtanong. Alam naman niya na kapag kailangan na ni Sakura ng tulong ay magsasabi rin ito.

"Cherry," sabay na napalingon ang dalawa sa kakapasok lang na kaklase, si Brian. "Nagkabalikan daw kayo ni Hiro?"

Jaizen witnessed how Sakura's face changed. Kung kanina ay nakangiti pa ito kahit papaano, ngayon, talagang mukhang iiyak na ito. Halos natahimik ang kaninang maingay na classroom. Halatang nag hihintay ng masasagap na balita.

"Brian, kabahan ka nga," Jaizen shouted. "Kaninong tsismosa mo naman narinig 'yan?"

"Magkasama daw sila na pumasok, pinag-uusapan sa labas."

Napapikit si Sakura. Akmang lalabas na si Jaizen para harapin ang mga 'yon, pero pinigilan lang siya ni Sakura. Siguradong makikipag-away lang ito.

"Jai, hayaan mo na," she whispered. "Hindi naman totoo."

Hindi malaman ni Sakura kung gaano ba kalaki ang naipon niyang kasalanan sa mundo para bumagsak ang lahat sa kan'ya nang ganito. Sabay-sabay, wala man lang siyang pahinga.

Akala ni Sakura kapag nagsimula na ang klase nila, mabilis na niyang makakalimutan ang lahat. Pero hindi pa rin, talagang napapansin pa rin niya ang tingin sa kan'ya ng ibang mga kaklase. Parang bumabalik na naman siya sa nakaraan.

Si Hiro ang first serious boyfriend ni Sakura. He's a third year architecture student when they met last year. Freshman pa lang siya, excited na ma-experience ang college life.

Dahil sa taglay na kagandahan, kahit pa kung pumasok siya ay simpleng naka tali lang ang buhok at walang kolerete sa mukha, talagang angat si Sakura. Dahil sa pangalan, pati sa kan'yang mga mata, natatawag siyang Half-Japanese kahit hindi niya sigurado ang pinag-mulan niya.

Nang magsimula ang intrams, si Sakura ang napili ng Medical Technology department para maging muse. Magsimula noon, mas marami ang mga mata na tumutok sa kan'ya. Isa na si Hiro Tan. Ang kilalang captain ng official basketball team ng San Jose University.

He was a sweet guy. Kahit na alangan si Sakura, matiyaga siyang nanligaw sa dalaga. Halos anim na buwan rin bago niya official na di-nate ang lalaki.

Some found them cute because they were tagged as the half-Japanese couple. Unti-unti, napalagay ang loob ni Sakura sa kan'ya. She trusted him. But three months later,she found out that he was cheating on her.

She was a bet.

Sinubukan lang ni Hiro na pasagutin ang 'Haponesa'. At nang manalo siya, humanap na siya ng ibang pagkakaabalahan kasabay niya.

Magsimula noon, bawat mata na masita niyang nakatingin sa kan'ya ay para bang sumpa.

Nanliliit siya, nahihiya, naaawa sa sarili. At kahit na anong iwas niya, hindi pa rin manalo si Sakura. Bukambibig pa rin siya. Kung hindi siya sayang, malas naman.

Naglalakad sina Jaizen at Sakura sa hallway dahil maaga silang na-dismiss. Balak nilang makipagkita kay Kenji, pero dahil architecture student ito, ayaw ni Jai na isama si Sakura roon.

Professor Zyon (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon