32

20 0 0
                                    

S A K U R A

"Ang pinaka importante talaga sa job natin as medtechs, bukod sa pagkuha ng mga specimen, kailangan ay dapat tama ang bawat label."

Naramdaman ko ang pag kurot ni Jai sa braso ko dahil sa tinuturo ni Ma'am Dana. Katatapos lang kasi namin na pag usapan 'yang label na 'yan. Nakakastress!

"Ma'am, kailan ba dapat may label?" pabirong tanong ni Jai. Umingay ang klase, kasi alam naman nilang nagbibiro siya.

"Mas magada siyempre agad-agad!" pagsakay naman ni Ma'am Dana sa joke. "Kailangan the moment na sigurado ka na, lagyan mo na ng label para wala nang kawala. Hindi ka na malilito sa pag-tagal."

"Oh, narinig mo 'yon?" dinuro pa talaga ako ni Jaizen. Nahihiya tuloy ako habang nagtatago sa mga palad ko.

"Hay nako, Sakura," tawag ni Ma'am Dana sa akin. "Label agad, okay?"

Sabay kami na napahalakhak nang malakas ni Jaizen nang magkatinginan. The freaking irony!

"Oo naman Ma'am!" sagot ko habang naka thumbs up. "Label agad! Turo niyo 'yan eh!"

"Naks, ayan ha? Tinuruan ka na ni Ma'am," natatawang sabi pa ni Jai.

Hay nako, Ma'am, kung alam mo lang talaga. Hanggang sa matapos ang klase, hindi ako makatingin kay Jai kasi siguradong bubulwak bigla ang tawa ko sa kabaliwan naming dalawa.

"By three, kailangan napasa niyo na 'yong mga lab manuals nin'yo sa faculty, ha?"

Biglang humigpit ang kapit ni Jai nang marinig niya ang huling anunsyo ni Ma'am bago ito lumabas.

"Hoy, bakit?" I asked. "Luluwa na mata mo teh."

"Naiwan ko lab manual ko."

"Gago, seryoso ka ba?" Shete, malapit na mag 2. Kahit na maaga mag dismiss si Ma'am, hindi makaka-uwi at balik si Jai nang fifteen minutes.

"May klase ba si Ken?"

"Meron, long quiz niya ngayon."

"Gaga, paano lab manual mo? Last na 'yon, extended na nga."

Tinignan din ni Jai ang wrist watch niya, "Kaya ko kunin."

"Hoy, pauwi mo palang halos twenty minutes na. Aabsent ka sa next class?"

"Kunwari nasa clinic ako. Sabihin mo nasa clinic ako, ha?"

"Sira, sa tingin mo kaya kita pagtakpan?"

"Si Sir Zyon naman," pilit nito. "Ang laki ng bawas sa grades kung wala akong project. Sige na, babalik ako before three."

"Aalis ka Jai?" tanong ni Sharon, kaklase namin.

"Naiwan niya raw lab manual n'ya," sagot ko na talagang idinidiin pa. Inirapan tuloy ako.

"Hala, 'di ba may chapter quiz tayo kay Sir Zyon?"

Sabay kaming nagkatinginan ni Jaizen.

"May chapter quiz nga pala tayo," napapikit na umiiling si Jai.

"Gaga, may chapter quiz tayo?"

Nang maintindihan ni Jai na hindi ko naalala ang quiz, bigla siyang natawa nang malakas. Bigla na lang niya akong hinatak habang dala-dala ang bag niya.

"Hoy, teka magbabasa ako! Nakalimutan ko na may quiz!"

"Cherry! Ito na ang chance mo."

"Anong chance?"

Tinapik niya ako sa likod sabay bulong, "Kailangan mo na pairalin ang magic mo. Para sa ikabubuti ng kinabukasan nating dalawa."

"Hindi ko gusto 'yang tingin mo. Anong nasa isip mo?"

Professor Zyon (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon