14

38 3 0
                                    

 S A K U R A

Pagpasok ko sa bahay, doon lang ako nakahinga nang maluwag. Parang isang oras kong pinipigilan na suminghot ng hangin, hinihingal pa ako.

Mabilis akong tumakbo patungo sa kusina para naman makainom ng malamig na tubig kasi parang nanunuyo na rin ang lalamunan ko. Siyempre naman ano? Halos hindi ko na nga kinakaya na makita siya, tapos ang makasama pa siya sa tahimik na sasakyan? Akala ko talaga katapusan ko na!

Hindi pa man sumasayad sa lalamunan ko ay parang tinapon naman sa ulo ko ang nagyeyelong tubig. Tila nabato ako sa aking kinatatayuan.

"Ginabi ka ata," gusto kong masuka dahil sa mainit na hiningang dumampi sa batok ko. Hindi lang 'yon, may kasama pang amoy.

Hindi ko pinansin si Chad. Naglakad na lang ako papalayo para hindi na siya makaharap. Hindi ko talaga maintindihan kung ano ang nakikita ni Kristine sa lalaking 'to.

Kahit pa wala siyang suot na t-shirt, hindi man lang siya kaakit-akit. Parang gusto ko nalang siyang sigawan at mura-murahin. May mukha siya na kasuklam-suklam, lalo na kapag dumadapo sa akin 'yong tingin niya. Halatang manyak.

Kung puwede ko lang talagang sirain ang ugnayan namin ni Kristine, baka noong una palang, sinumbong ko na sila. Pero baka hindi matuloy ang scholarship niya kung puro masasamang balita ang makakabalik kay Sister Glenda. Baka mapasama lang siya lalo.

"Ang taray mo naman, Haponesa."

"Nasaan si Kristine?"

"Nasa kuwarto, tulog," he responded. Ngumisi siya na para bang may biglang naisip. "Ang bilis mapagod, busy ba kayo sa school?"

I winced, "Hindi ko s'ya kaklase," sabi ko nalang bago tumalikod.

"Hmm," bahagya niyang hinaplos ang buhok ko bago ko pa mabuksan ang pintuan ko.

"Ano ba?"

"Mukhang malambot," he commented. "Curious lang naman. Galit ka agad, Haponesa."

Ano ba ang problema ng gagong 'yon? Kahit siguro kailan, hindi ko kayang kaibiganin 'yong mokong na 'yon. Nakaka-irita. Para siyang basura na pilit tinatabi ni Kristine. She could honestly do a lot better.

Pagkatapos kong makapagbihis, narinig ko ang phone ko na nagva-vibrate sa bag. Mukhang hinahanap na ako ng nanay ko.

"Hello," sagot ko sa tawag ni Jai. "What's up?"

"Gaga, 'wag mo akong i-what's up, jan." Jaizen sighed. "Ang tagal na kitang tine-text pati tinatawagan. Bakit hindi ka nag re-reply?"

"Ma, sorry, ma!"

"Heh! Umayos ka nga!"

"Jai, nagsimula na ako mag trabaho sa restaurant."

"Agad?"

"'Di ka ba proud sa akin?" biro ko. "Hindi ko nga rin expected, pero nilaban ko talaga."

"Sure ka na ba talaga?"

"Oo," papalag nanaman 'to kapag hindi ko binenta ng maayos 'yong desisyon ko. "Alam mo ba, by hour ang sahod ko. Maluwag pa ang schedule!"

"Hay," buntong-hininga ni Jai. "Mag trabaho na lang din kaya ako d'yan? May opening pa kaya?"

"Bakit?" Ngayon ko lang narinig si Jai na magsabi nang ganito. "Kumusta naman ba 'yong tutoring? 'Di ba, tinutulungan ka ng parents ni Ken?"

"Nabawasan ang students ko," he rants. "Tapos si Ken, hindi ko alam kung kaya pa mag call center. Medyo napapansin ko na hirap s'ya na kulang sa tulog."

I felt my heart break. May pinagdadaanan pa sila na sarili nilang problema pero palagi nilang iniisip kung ano ang maitutulong nila sa akin.

"You know what, hindi tayo puwedeng ganito," his tone suddenly switched. "Hindi tayo susuko! Negative na nga ang binabato sa atin, magiging negatibo pa ba tayo?"

Professor Zyon (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon